IT staff (web developer) po ako sa previous company na pinasukan ko, ngayon po kinukulit po nila ako na tapusin ang project na naiwan ko po nang mag resign po ako. Ang sabi po nila na "dapat si IT (ako) ang tatapos ng sinimulan sa kanya, kasi mahihirapan ang new IT kung itutuloy nila yan". Samantalang nag turn over po ako for 15 days and pumayag naman po ako na maari nila ako ma-contact kung may tanong, pero wala naman po sa napag usapan na mag trabaho para tapusin yung project.
Binigyan po nila ako ng oras para sagutin yung tanong na kung tatapusin ko daw po ba yung project, pag hindi po ako sumagot or hindi ko po itinuloy yung project ay mag file po sila ng case sa akin at mag send ng demand letter.
Maari ko po ako mag send ng screenshots kung kailangan po.
Maraming salamat po sa inyo.