Hi po. I need legal advice. May umutang po kasi PO cards saken last December 2016 pa po sa maliit na halagang 3750. The same month po na terminate sya from work. Inintindi ko pa na hindi muna sya nag text or naginform mn lang sa nangyari. Nalaman ko nlng sa work mate nya. Ngayon po nag text ako sa kanya, pangungumusta at saying na nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. Matagal bago sya mag reply. Sabi nya babayaran nlng daw nya ako pag may pera na sya. After a month, nagkaproblema ako kinailangan ko ang pera. So tinext ko sya at tinawagan pero hindi xa nagreply o sumagot sa tawag ko. Humihingi ako ng update pero balewala lng nya mga messages ko kasi hindi nman nagrereply. Ngayon nagmessage ako sa sister nya via FB. Sinabi ko na may utang yong sister nya at sana mainform nya at magbayad na rin. Ngayon po galit na yong umutang saken, hindi na daw xa magbabayad gawa ng pagcontact ko sa sis nya. Tawag ako ng tawag ayaw nya sagutin. Naka ilang text messages na rin ako ayaw pa din nya magreply. Kaya wala akong ibang magawa kundi imessage yong mga kapamilya nya. Mas lalo sya nagalit at sinabi hindi na daw sya magbabayad sa kanya dahil daw pinahiya ko sya at ang pamilya nya. Wala naman akong sinabing pagmamalabis. Sinisingil ko lang talaga sya sa utang nya. At gusto ko sana magbayad sya. Pero ayaw nya at tinitext nya ako, na wala na daw akong makukuha sa kanya. Pinagtatawanan na lang nya ako dahil sa sobrang nag effort ako na macontact sya. Tinatawag pa nya akong peste at animal. More than 20 missed calls na. Pinapatay nya phone nya pag tumawag ako. Tapos magtetext sya na "Cge effort pa, wala kang makukuha sa akin". Talagang ginagalit nya ako sa mga messages nya.
Ano po ba pwede kong gawin? Gusto ko po talaga makuha yung sakin. At gusto ko matuto sya ng leksyon.