tatanong ko lang po kung ano pwede ko po gawin sa kaibigan ko na pinahiram ko po gamit po credit card ko,in short po, pina ride ko po sya sa credit cards ko.nagpromise po sya na babayaran nya ako nung katapusan ng May 2011, pero wala din po nangyari.Wala po sya naibayad sakin until now sa 2 cards ko,ako po kasi ang sinsingil ng mga bank. Sinisingil ko po sya pero sya pa ang galit, hanggang sa nagtatago na po sya nagyon.Ano po ba ang pwede ko gawin para magbayad sya kc po name ko na po ung nasira sa bank at wala po syang ginagawang actions para bayaran ako, almost 27k po ang naswipe nya so nagpatong patong na po ang mga charges at ako po ang sinsingil ng mga bank.Pwede ko bo syang sampahan ng kaso at ano pong kaso ang pwede ko i file against her.maraming salamat po..sana po ay matulungan nyo po ako