Una sa lahat maraming salamat po sa pagkakaroon ng ganitong site..
Narito po ang katanungan ko..
Meron po kasi kaming nabiling property at gusto namin na mai transfer na ito sa aming pangalan.. ano ano po ba ang mga kailangan upang mai transfer ito? ANg lupa po ay nakapangalan sa 4 na tao at 3 sa mga ito ang patay na. meron na po kaming notarized na deed of sale at yung kasulatan ng partihang labas sa hukuman na pirmado ng mga tiyahin at anak ng nasabing pangalan sa titulo.
Ano ano pong dokumento ang kailangan naming makuha sa pinag bilihan na kakailanganin sa pag ta transfer ng titulo. Naunawaan din po namin na di pa bayad sa state tax ito.