Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Constructive Dismissal Case "Dismissed"

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Constructive Dismissal Case "Dismissed" Empty Constructive Dismissal Case "Dismissed" Wed Feb 08, 2017 3:28 pm

dcurse14


Arresto Menor

Magandang Araw po! Nais ko po sanang idulog sanyo ang kasalukuyang kaso ko po sa NLRC ngayon. Nagfile po ako ng Constructive Dismissal sa dating kompanyang pinapasukan ko po sa EPZA. Halos magdadalawang taon po ako sa dati kong kompanya subalit matapos po akong maregular inilipat po ako sa ibang department at dun na po nagumpisa ang mga hindi magagandang pangyayari po sakin. Hindi po naging maganda ang pakikitungo sakin ng immediate Supervisor ko po. Madalas po akong may hearing sa HR dahil po mga ibat-ibang allegations/kaso nya po sakin at pinagbawalan din po nya ako na sumali at magparticipate sa kahit anong activities sa kompanya. Gayundin, pinatanggal po nya ako sa kinabibilangan kong Employee Organization sa kompanya sa kadahilan daw na magfocus na lamang daw po ako sa trabaho dahil poor performance daw po ako. Pero taliwas sa ipinupukol nya sakin na poor performance matataas po ang score cards ko na ipinapasa po nya sa upper management ng kompanya. Nagkaroon na din ng verbal abuse sakin at pamamahiya na lubos pong nagbigay ng sobrang stress sakin at nagresulta sa psychological, emotional at pangkalusugang hindi magandang epekto. Inireport ko po itong pangyayari na ito sa Operations Manager ng kompanya at HR pero wala pong nangyari at nagpatuloy parin sa pangaabuso sakin ang immediate supervisor ko. Makailang beses na din po akong nasuspend sa trabaho dahil narin po sa mga kaso po na inihabla po sakin ng supervisor ko sa HR ng kompanya ng walang maayos na due process at pangaabuso lang sa posisyon. Marami na po akong kasamahan ang ginawan din ng pangaabuso ng supervisor ko po pero ako lang ang naglakas ng loob na dalhin ito sa korte dahil gusto ko pong mabigyan hindi lang ako ng karampatang hustisya kundi yung mga taong inabuso din po ng supervisor na ito. Napilitan na po akong magresign dahil sa mga pangyayaring ito at nagfile po ako ng kaso sa NLRC. Matapos po ang 1 taon at 3 buwan lumabas po ang desisyon na "Dismissed" daw po ang kaso na inihabla ko na Constructive Dismissal dahil daw po nagresign daw po ako. Ngayon po ako ay umapela at pupunta na po sa Commission ang kaso ko. Gusto ko lang po sana makahinge ng payo sanyo kung may laban pa po ba ang kaso. Sana po ay mabigyan nyo po ako ng linaw. Salamat po!

lukekyle


Reclusion Perpetua

anong reason for the appeal?

3Constructive Dismissal Case "Dismissed" Empty Constructive Dismissal Case "Dismissed" Wed Feb 08, 2017 4:55 pm

dcurse14


Arresto Menor

Sabi po ng lawyer ko eh iaapela daw sa Commission baka mabaligtad pa yun naging resulta na "Dismissed yung Constructive Dismissal. Palagay nyo po ba?

lukekyle


Reclusion Perpetua

yes but kelangan may reason.
1. may evidence na nag abuse of discretion yung arbiter
2. may evidence na nag lagay or nanakot yung kabila kaya napa oran ang decision
3. maling batas ang sinuri
4. maling datos ang nipresenta

If meron dyan, baka maoverturn. if wala talo ang kaso. im assuming libre yung lawyer mo at least until manalo?

Patok


Reclusion Perpetua

hindi ka dapat nag resign.. resignation means voluntary kaya kahit anong mangyari dismissed talaga yan..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum