May katrabaho po kami na nangungutang sa karamihan saming mga katrabaho niya pati sa family namin tapos hindi siya nagbabayad ng tama nung isang taon pa hanggang ngayon di pa rin bayad.
Tapos sa work naman kapag may pinaparepair sa kanya na mga laptop at cellphone ibinebenta niya sa ibang tao pati sa mga iba naming katrabaho. Nung pinaalis siya sa center natuklasan yung locker niya puno ng cellphone na pinarepair sa kanya ng company pero casing nalang wala na yung mismong unit.
Isa pa po bago siya paalisin sa center kumuha siya ng limang unit ng pc sa kompanya ang sabi niya para daw sa piso net at idinawit ako na ako daw partner niya sa piso net na yun. Nung hinahanap sa kanya yung mga unit ng pc na kinuha niya ang sabi niya wala daw sa kanya at nasa akin yung mga pc.
Ano po ba ang mga pwede naming gawing hakbang at ikaso sa taong ito? Para hindi na po makagawa pa ng ganyang gawain.