I am trying to search for your personal or maybe even work email to email you personally and ask for a legal advice re my case. I am not even sure kung mapapansin mo po ito because I know you are very busy too. But I am really hoping you can enlighten me, this has been a burden to me for the last couple of years. Here is my story Atty:
Year 2011 ako po ay nabuntis I was 19 years old back then, napagkasunduan po ng pamilya ko at pamilya mg ex ko na mag pakasal kami before ako manganak. Yung tatay po ng ex ko ang naglakad lahat ng papers for our civil wedding, siya lahat- we never got a chance na pumunta pa sa cityhall for license or whatsoever siya na daw bahala sa lahat kasi doon siya nagtrabaho dati and marami daw siyang kilala and connection.
Nag fill out lang ako ng mga documents. We were expecting na pupunta kami ng city hall for the rites or yung wedding itself, but it never happened, he even asked kung kelan namin gusto ikasal we chose Feb 11 pero hindi nangyari. Feb 12 na confined ako for CS operation na, feb 13 after ko manganak he handed me the marriage certificate pinapapirmahan niya nalang sa akin at sa parents ko, yung mga names ng dapat witnesses or ninongs and ninangs were all fakes po, sabi ng father ng ex ko kilala niya yung judge na pumirma sa marriage certificate namin, siya yung solemnizing officer pero wala naman nangyaring rites or solemnation ( sorry Atty. if mali yung mga terms ko). And yung nakalagay pa sa marriage certificate namin na date is Feb 11 pero pumirma nalang kami ng parents ko feb 13, kahit galit na galit po ang father ko nagpaubaya nalang kami. Hindi din po sa akin binigay ang original copy ng marriage certificate parang certified xerox copy lang ata yun. Ginamit ko din yung surname niya at status na married nung nag apply ako ng mga valid ids.
After 2 years ng pagsasama nananakit na siya, pina blotter ko siya twice and nambababae siya at may babae siya hanggang sa naghiwalay na kami. Ngayon po separated na kami for almost 3 years..
Now I don' t know where to start, at wala din po akong pambayad ng abogado para humingi ng advice sa kaso ko. Ano po ba ang gagawin ko? Saan po ako mag uumpisa ulit? Gusto ko pong gamitin ulit ang maiden name ko. Atty sana po matulungan at mapansin niyo ang post ko. Maraming Salamat po.