This is my first time to get into this free forum on seeking legal advise.
Employed po ako from May 2014 - September 31, 2016 sa isang local recruitment company based po in Ortigas area.
Since the time nagstart po ako, nakita ko po na nagpamalas ng magarbong lifestyle yong company. Palaging may pagkain, order dito, order dun, kain dito, kain dun...utos ng President ng company. May kinikita naman po yong company it's just so happened po that hindi namanage ng maayos yong finances ng company that is why po pagpasok ng 2015, nagsimula na kaming maka-experience ng delays na mga sahod. We did tried to understand yong sinasabing rason nung president but we found out mas naging worst yong situation kasi yong president nakapagpagawa ng bahay, yong ibang kapatid nya na hindi nagwo-work po dun sa company, binigyan ng HMO pero company yong nagbabayad. Nakabili po ng sasakyan yong President and nakapag travel po sa iba-ibang lugar dito sa bansa at nakapunta din po ng ilang beses sa Singapore at namuhay ng marangya. Hanggang sa hindi na nakabangon sa financial problem yong company.
Hanggang sa nalaman na din po ng mga client namin na pati sahod nung mga nakadeploy sa kanilang staff ay nakakaranas ng delayed na sahod at walang remitannces ng mga mandated benefits and even yong taxes na kinakaltas samin sa mga sahod namin tuwing payday. Tapos ako po ang binabalikan ni client kung bakit ganun daw yong pamamalakad kasi po ako ang taga kuha ng mga client dito po.
I tried po my best na pag takpan yong mga maling practice ng company..hanggang sa ako na mismo ang sumuko kasi ako na po yong palaging nasisisi ng mga tao. Nagdecide po ako na magresign. Nangpaalam po ako dun sa President mismo noong August 31, 2016 kaso hindi naging maganda ang pagtanggap niya sa pag express ko ng resignation ko. Ayaw niya akong paalisin. Ang idinahilan ko po ay may opportunity po ako sa abroad na hindi ko pwede pakawalan which is true po talaga. Sabi ni Ms. President sakin, bakit daw ako magaabroad? iiwanan ko daw po yong mga anak ko since i am a single parent? paano daw ang mga anak ko? Hell daw ang buhay sa ibang bansa kasi siya naranasan na daw nya. Sabi ko wala akong choice kundi umalis kasi para sa kinabukasan ng mga anak ko. Yong perang kikitain ko dun hindi ko siya kikitain dito ng ialng months lang...baka abutin pa ng taon. Sabi ni Ms. President sakin pwede niya akong payagan na umalis pero need ko daw muna magtender ng 90days notice at need ko magclose ng madaming client para makabawi siya.
Medyo hindi ko nagustuhan terms na ginamit ni madam kaya lalo akong nagpursige sa desisyon kong umalis na lang.
Nakapagtanong po ako sa isang lawyer thru phone sabi po sakin, wala sa batas ang 90days notice kundi 30days lang and ito din yong pinirmahan kong kontrata sa kanila. Tuso talaga si madam president sa mga empleyado niya kasi palagi niyang sambit kaya daw sya nagtayo ng kompanya niya para may mga taong magtatrabaho para sa kanya at siya ay paupo-upo na lang. which is totoong ginagawa niya po kasi palagi pag may problema or issue ako at yong isa pang manager ang palagi niyang binabalandra at sinasabihan na kayo na bahala dyan kaya ko kayo nilagay dyan kasi kaya niyo na yan.
May natitira pa akong 4 na VL sabi ko sa HR gagamitin ko as terminal leave, so instead of September 31 ako mag-last day sa kanila, ma-a-advance into Sept 27, 2016. Nagalit si madam president sabi niya sobrang dami na daw ng pabor na binigay niya sakin. And actually, wala akong pabor na hiniling sa kanya kasi i did abide by all the rules set forth by the law as per DOLE mandate. Hindi nila binigay yong half ng 13th month pay ko for 2015, SL conversion ko for the year 2015, my salary po for the month of Sept 2016, 13th month ko po from January - September 2016, all government mandated benefits na kinaltas nila form 2015-2016, together with the taxes din po na kinaltas sa bawat payday pero hindi po yan lahat nairemit sa mga nasabing government agency.
Nagfollow up ako sa kanila asking all of these, naka 3times po akong nagfollow-up pero hindi ko nakuha yong sagot. Noong 1st po sabi ni madam president, wala daw siyang pera, intayin ko daw at gagawan niya ng paraan. Nagfollow-up po ulit ako, wala po si madam president kasi nasa bakasyon daw po kasama ang buong pamilya nasa boracay, 1 week po sila dun. 3rd follow up ko po sumagot si madam president sabi niya, magbabayad daw siya kung kailan nya gusto at kung kailan mangyayari yon eh siya lang daw nakakaalam.
Kaya po ako pumunta na ng NLRC, dumaan po kami sa SENA - bale 2 po kaming nagfile ng complaint against po dito sa company na ito. Nakadalawang SENA kami po pero hindi dumating yong mag-pre-preside ng SENA at yong panig ng company na kino-compliant po namin.Binigyan kami ng certificate to file at iniakyat na yong kaso sa labor Arbiter. Naka 4times po ata or even 6times po kami sa office ni Labor Aribiter Que kaso hindi namin nakaharap si Arbiter Que kasi ang laging humaharap yong LAA (Labor Arbiter Associate). Hindi maganda ang paghandle samin nitong LAA na ito, iniinsulto niya kami palagi at nginingitiian ng ngiting aso kasi hindi nga po kami sinisipot nung company na kino-complaint namin.
Actually, twice po kaming nagkasagutan at nasabi ko sa kanya na bakit ganun ang trato niya samin eh kaya nga kami dumulog dun kasi para matulungan kami na makakuha ng hustisya, ang sagot niya sakin, eh hindi nga sumisipot yong kino-complaint ninyo eh...sabay ngiting aso. Natigil lang sya nung sinabi ko kailangan ko na bang tumawag sa 8888 para lang asikasuhin kami ng maayos? Dun sya medyo nagising sa pagsasalita ng di maganda samin.
Last January 16, filing po namin ng position paper pero po nanghingi kami ng extensiyon kasi po nung time na iyon yong nilapitan naming abogado hindi nya nagawa yong position papers kasi nasa cebu daw sila. Ang ginawa noong LAA, eh nagbigay ng minutes samin pero hindi nya nilagay yong date kung kailan kami magpapasa ng position papers tapos hanggang wala pa po kaming balita.
Nagpasa po ako ng letter for Compliance inspection sa DOLE NCR noong January 16, 2017 pero wala pa po kaming balita kasi as for now nabalitaan ko po na nakapag paregister na naman ng bagong company si madam president sa SEC.
Nagfile din po kami ng complaint sa SSS - last October 2016, pero sabi 3 months daw bago sila makakapagbigay ng sagot.
Sa PhilHealth naman sabi po nila eh magpapadala lang daw sila ng letter para magbayad pero wala na pong balita.
Sa Pag-ibig naman po sabi nila wala pa daw silang pwedeng gawin kasi may mga binayaran naman yong company.
Sa BIR nagemail po ako ng report sa kanila and up until now, wala pong balita.
Malaya pa din po ito si madam president at wala talaga syang planong bayaran yong obligasyon niya sa amin.
Saan po ba kami pwedeng lumapit para makakuha ng hustisya.
Lubos na umaasa sa inyo pong tulong.
Salamat po.
Ella Rodriguez