Magtatanong lang po kung ano po ang pwede namin gawin. Ganito po kasi ang story ung mother ko and Legal father ko is matagal na hindi nagsasama almost 30yrs na since 7yrs old palang po ako. Tapos ang kinakasama na ng nanay ko ngayon is ung kapatid ng Legal Father ko and matagal na sila magkasama almost 17yrs na din. Ung kinakasama ng nanay ko ngayon ang tumayo na bilang Ama namin simula nung iwan kami ng Legal Father namin. Ang Question ko po is papaano po namin magiging Legal Father ung kinakasama ng nanay namin ngayon or papaano namin sya malalagay sa benefits namin magkakapatid. Nakakalungkot lang po kasi na si papa hindi namin mailagay sa benefits namin magkakapatid kasi di namin sya Legal na ama. Salamat po in advance!