Nais ko po humingi ng legal advice, ukol po sa pagampon sa nanay ko.
Ang nanay ko po ay ipinanganak nung January 1965 at siya po ay inampon ng aking kinikilalang lolo at lola.
Ang proseso po ng pag-ampon na ginawa ng aking lolo ay nirihestro sa birth certificate na sila (lolo at lola) ang mga magulang ng aking nanay at pinabinyagan na gamit na ang kanilang apelyido.
Meron po akong nabasa tungkol sa tama at legal na proseso ng pag-ampon, ito po yung republic act of 1988 adoption law, na ayon dito wala pong bisa ang ginawang pag-ampon ng lolo at lola ko sa aking nanay dahil hindi dumaan sa tamang proseso.
Nais ko pong malaman kung sakop po ba ng adoption law of 1988 ang pag-ampon sa nanay ko
Dahil ang pag-ampon sa kanya ay naganap noong 1965.
Matatawag po ba na illegitimate child ang aking nanay dahil hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-ampon at wala siyang karapatan gamitin ang apelyido ng aking lolo?
Salamat po!