Good day,
My son was also accused of theft of his previous employer. Nanakaw yung service bike for delivery nung previous employer niya during the tiime he was no longer connected or working with them kasi lumipat na sya sa katabing place to work. Their evidence was a blurred and dark cctv footage na hindi naman makilala yung kumuha sa video kasi nga madilim at nakatalikod pa yung kumuha. They accused my son of stealing the bike kas daw kasing katawan at same kumilos sa anak ko yung nasa cctv. Nagulat na lang yung anak ko ng mag tumawag sa kanyang lalaki at nagtanong agad kung nasan sya na ayaw magpakilala nung una ngaunit dahil ayaw sabihin ng son ko dahil hindi naman nya kilala yung tumatawag saka lang sinabi na taga barangay sya. . Nung nakipagkita yung anak ko saka nagpakilala yung lalaki na pulis sya pero hindi nakauniform at hindi man lang binanggit ang full name and rank. Agad syang sinabihan na ilabas daw nya yung bike at saan daw nya itinago. Nagulat ulit ang son ko dahil hindi nya alam na nawawala pala yung delivery bike ng dati nyang pinagtrabahuhan at sya ang pinagbibintangan. Pilit syang pinapaamin nung "pulis daw" kung san nya tinago o binenta. Pumunta sila sa cctv control room nung mall kung saan nagyari yung nakawan at khit sinasabi na nung cctv controller na hindi sapat na basihan yung cctv footage kasi madilim at hindi kita ang mukha pilit pa din syang itinuturo ng mga dati nyang co=worker na sya nag kumuha dahil binasa nila sa kilos at katawan nung nasa video. sabi pa nung cctv controller na madaming tao ang pwedeng magkapareho ng katawan at kilos kaya hindi sapat na basehan yun upang pagbintangan nila kahit sino na lang dahil nga hindi makita ang mukha sa video nung nagnakaw. Hanggang nakarating sila sa baraangay upang dun ituloy ang reklamo at gayta din ng opinyong nasabi nung cctv controller na hiindi din daw sapat na basehan yung madilim at halos nakatalikod na kuha sa mukha na footage ng cctv. Akala ng anak ko tapos nayun at nagulat na lang ako ng may magpuntang pulis sa bahay nitong Dec. 7, 2016 ng gabi at hinahanap ang anak ko na nangungupahan ng mga panahong yun para mapalapit sa work nya. Dahil sa pagkagulat at pag-aalala para sa anak ko aya hindi ko napansin na warrat of arrest na pala yun tungkol dun sa ninakaw na bike. Nagulat kami dahil wala naman kaming natangggap na subpoena kahit isa man lang. Agad kong pinuntahan ang anak ko nung gabing iyon at sinabi ang nagyari. Kinabukasan sinamahan ko sya sa police statyion para magpaliwanag at ibigay ang kwento nya at dun lang namin natuko na warrant of arrest na pala. Agad ikinuloong ang anak ko. Kinabukasan ay piniyansahan ko sya upang makalabas. Merongwitness o nagpatunay na kasama ng son ko nung gabing nawala ang bike at yun ay yung manager nya sa nilipatan nyang trabaho na magkasama sila nung gabing iyon at wala namang nakitang bike na dala ang anak ko. Sinabihan nung pulis yung witness ng anak ko na "sigurado ka bang magwiwitness ka dahil pag napatunayang guilty anak ko pati daw yung witness madadamay. Hindi po ba harrasment na iyon at hindi dapat ganun ang inasal nung pulis dahil bawalsa kanila yung ganung magbigay ng sariling opinyon na magdidiin sa isang inosente pa at hindi pa nahahatulan sa korte? Nasabi ko po sa attorney ng PAO na humahawak ng kaso ng son ko na baka pwede kaming magfile ng motion to dismiss since sa pananaw ko ay insufficient yung basis nung complainant pero hindi na daw kailangang magfile sagot nug abogado. Anu-ano po ba ang pwede naming gawin as legal steps? Pwede po ba kaming magfile ng case dun sa complainant at witnesses na nagsinungaling lang dahil kailangan lang daw nilang may maiturong kumuha nung bike sabi sa kanila nung business owner or else mawawalan sila ng trabaho at sila ang magbabayad nung bike? Yung sa pulis po ba may harrassment or inaappropriate sa ginawa nya towards my soon and his witness? Pwede po ba namin syang kasuhan? Need your legal advice. Ayoko pong makulong anak ko dahil inosente sya. Hindi lang po ako kampante na parang kulang ang ginagawang tulong ng PAO atty sa amin dahil natapos an ang arraignment at bukas ay 1st hearing na pero wala man lang inaadvice sa amin kung ano ang strategy na gagawin or legal step. Sana po matulungan nyo kami. Maraming salamat po