Nagkaron po ako ng utang sa isang tao pero ang naging collateral lng po nmin ay ung atm...kaso po di n ako nakabayad kasi po kapos tlga kmi ngaun, pinilit nya po ako n gumawa ng kasunduan at pina notaryo pa nmin para lng daw po may pinanghahawakan syang kasulatan. Pumunta pa po sya sa office nmin at kung ano ano pinagsasabi sa hr at sinabi pa na idedemanda daw nya ako. text din po sya ng text at tinatakot ako na ipapakulong nya daw po ako..dati po ay pumupunta pa sya dito sa bahay nmin at naeeskandalo po ako dahil sumisigaw pa po sya...naaawa po ako sa mga anak ko kasi nakikita nila at naririnig mga pinagsasabi niya. Ano po ang gagawin ko. Nahihiya din po ako sa office kasi kinausap ako ng hr dahil sa ginawa nila