Gusto ko pong ihingi ng legal advice yung nagyari sa akin. Naaksidente po ako noong March 18 sakay ng kotse ng pinsan ko. Kasama ko po yung boyfriend ng pinsan ko ( driver) at nasa harapan ang pinsan ko. Ako lang po ang nasa kilod ng car nang bigla po kaming bumangga sa waiting shade sa SLEX.
Pagkabangga po namin sinabi po sa akin ng boyfriend ng pinsan ko na "sorry dahil napaidlip sya." Nagalit nga po ako sa kanya. Ngunit nung dumating na ang investigators, hindi nya ito inamin at sinabing nabutas bila ang gulong kaya kami bumangga.
Dinala po kami sa ospital ligtas po kaming tatlo. Na check up po ako at pina x-ray. May mga pasa po ako sa binti at 2 braso at black eye. Napaksakit din po ng dibdib ko at mahirap huminga at masakit kahit pa pag ubo.
Yung boyfriend po ng pinsan ko at pinsan ko ay di gaano grabe dahil may seatbelt. Since sa ospital di po nila sinagot gastos ko.
Pag uwe ko lalo po grabe ang mga pasa at sakit sa katawan ko. But simula po noon di na nagpakita ang pinsan ko at di sinagot mga gastos ko. Until now ako po ay nagpapagamot at di ko po alam ang medical condition ko dahil under observation pa po ako. Ano po pwede ko gawin para panagutin sila?
Kamag anak ko po sila pero sa nagyari kinalimutan nila yun.
Please advise. Thanks po.