I am 6 months pregnant na po. The father of my child po is a married man. But we don't have a relationship. It was just happen na nagkainuman po kame tapos nalasing po. Ngayon po kasi nagtatrabaho ako sa company na pag.aari po ng ama ng ipinagbubintis ko, in other words, boss ko po ang father ng baby ko. Gusto po mangyari ng lalaki nung una na ipalaglag pero di po ako pumayag kasi natatakot po ako. Ngayoun naman po, sabi ng lalaki na ipaampon ko nalang daw po yung baby pag lumabas na kasi po umiiwas sya sa gulo. Ayaw po nya malaman ng family nya na sya ang tatay ng ipinagbubuntis ko ngayon at yun din naman po ang gusto ko sana. Kaya po nagkaroon kami ng agreement dati bago pa po nya sinabi sa akin na ipaampon ang bata. Sa agreement po namin, sabi po nya na tutulong sya sa gastusin ko habang nagbubuntis pa lang ako at kapag nakapanganak na po ako hindi ko na daw po sya uubligahin sa mga gastusin, tataasan nalang daw po nya sweldo ko. Pero kapag maluwag daw po sya at kaya nya tumulong, tutulong din daw po sya paminsan minsan. Pumayag po ako dun sa proposal nya. But then, nagbago na naman po isip nya. Papaampon nya daw po ang baby, pumayag man daw po ako o hindi. Basta yun na daw po ang desisyon nya. Pero ayoko po talaga paampon tong magiging baby ko. Hindi naman po sya sumunod dun sa agreement namin ngayon na tutulong sya sa gastusin ko pagdating sa mga gamot at check-ups ko. Ito po ang mga tanong ko:
a. Pwede ko po ba sya ubligahin nalang na tumulong sa gastusin para sa bata?
b. Kung hindi naman po, ano po ba ang pwde kong ikaso sa kanya kapag hindi po nya sinuportahan yung baby namin?
C. Makakasuhan din po ba ako oras na malaman ng family nya yung tungkol sa akin?
Please help me answer my questions attorney...
Thank you so much!!