Sir, nag apply po ako s isang employment agency going to Brunei last Nov. 2010, ngayon po pinagmadali nila akong mag medical ng staff nila kc pina follow up n daw siya ng employer. Tapos po, nagpamedical nmn ako, more or less 7500 nagastos ko, after that, pinagbayad ako ng processing fee na 5000, lahat po yun walang resibo. Tapos po sabi maghintay n lng ako. Tinanong ko sila kung mga kaylan ako makakaalis, sabi nya s kin by Jan. 2011 kasi maraming bakasyon s buwan ng December. By middle of Dec., nakatanggap ako ng tawag, akala ko yun na, yun pla may bagong offer letter na pinadala, yung dati 600 Brunei$ plus food allo, ngayon 550 Brunei$ n lng and no food allo. Hndi ko pinirmahan yung offer letter n un dahil binago nila. Then nung Jan. 2011, tinatawagan ko sila kung ano n nangyari sa visa ko, sbi nila pina process n, regarding s pagbaba ng sahod sabi nla ask nila ung employer. Natapos ang Jan. 2011, hindi p sila tumatawag s kin. Nung Feb. 1, ininform ko sila n pull out ko n application ko, sabi nila hindi pede, mag p penalty ako dahil na process na visa ko. Then humingi ako legal advice s POEA, sabi nila pag wala pang job order at di p na process visa, pede kong i pull out application ko. Nung kinonfirm ko s POEA kung naprocess n tlg visa ko, nakalagay s papel, "no record" meaning wala png job order at di p n process visa ko. Nag file po ako ng formal complaint, ngayon nag schdule ang POEA ng formal meeting namin ng agency, ang pangamba ko lng po, wala po akong matibay na evidence s kanila dahil nga po hindi sila nagbibigay ng resibo at acknowledgement receipt nung kinuha nila dokumento ko. Ano po bang maipapayo ninyo. Isa pa po, may chance po bang makuha ko rin yung mga nagastos ko sa medical at processing fee. Salamt po.