I need advice, may asawa ako (kasal kami) na may anak sa dating kinakasama nya. 7 years old na yung bata, yung mom nung bata may anak na una sa iba, pangalawa yung sa asawa ko then may 2 ulit sa bagong kinakasama nya, so 4 na yung bata. Before nagsusustento yung husband ko ng 3k per month nung di pa kami kasal at bihira nya makasama yung bata kasi di pinapahiram unless magbibigay ng sustento. Nung kasal na kami we decided na ibili nalang ng groceries yung allowance, but then yung mom gusto may money pa din so 1500 for grocery then 1500 na money. Eventually pinagtalunan namin yon kasi bakasyon na gusto pa din may money for service daw at summer class sa public school. Di kami pumayag sa gusto nya so nagtalo kami sa text nag away at nagsumbatan, after non 1 year di namin nakasama yung bata dahil di na namin sila makontak. Pero dahil di ko matiis asawa ko kasi naawa na ko dahil miss na miss na nya yung anak nya, kinausap ko ulit yung mom ng bata at napapayag sya na makasama ulit namin yung bata. Mula nun almost every week nakakasama namin yung bata, kami bumili ng school supplies, weekly binibilhan ng baon at pera pag nasusundo at monthly nagbabayad ng service. Ok naman yung usapan namin ng mom ng bata till nag simula na naman pumasok sa eksena yung lola ng bata. Laging kailangan ng approval nya bago pumayag yung mom ng bata na masundo namin. Minsan magtetext na wag muna sunduin yung bata with a lot of excuses.
-anong pwede namin gawin para makasama namin yung bata ng mas madalas like every weekend at daya na walang pasok sa school like holidays and school vacation?
-may chance ba kung mag file kami ng sole custody if ang grounds is Unemployment and Immorality ng mom ng bata dahil wala syang work eversince at iba ibang tatay ng mga anak nya and di sya kasal sa kinakasama nya ngayon