Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

termination of a newly hired employee due to dishonesty

Go down  Message [Page 1 of 1]

cadmium28


Arresto Menor

ako po ay bagong empleyado sa isang kumpanya na nagsimula lang noong October 2016. Isa po akong finance assistant, ako po ang gumagawa ng payroll at humahawak ng pera ng kumpanya sa araw-araw. Noong Disyember 5, binigyan po ako ng aking employer ng Notice regarding sa mga dishonest acts:
1) binago ko po ang cash voucher na pinirmahan ng kasamahan ko, sa halip na tamang amount ang nilagay ko pinalitan ko ito ng mas mataas na amount. ginawa ko po ito kasi nagshort ako sa pera. tinapon ko po ang original cash voucher dahil pinalitan ko naman ito ng bago ngunit nalaman ito ng employer ko
2) pinalitan ko din ang date ng isang resibo. kinausap ko ang kasamahan ko na kausapin ang establishment na ibahin ang date sa resibo na iniisyu nila para pagtakpan ang isang pangyayari na nagshort po uli ako sa pera
3) kinausap ko din po ang isang kasamahan ko na palitan ang amount sa cash flow report niya.

lahat po ng mga nabanggit na iyan ay pinatotohanan ko sa araw pa lang na inabot sa akin ang notice from HR namin. sa sulat binibigyan nila ako ng pagkakataon na magpaliwanag sa pamamagitan ng pagsulat ng letter at kakausapin ako ng personal ng aking employer pagkatapos ng tatlong araw. Sabi nila dahil trust issue ang problema sa akin, kinabukasan Dec 6 hindi na muna nila ako pinapasok hanggang sa araw na nakausap ko ang employer ko noong Dec10.

Sa aming pagkakaharap-harap, inabot ko ang explanation letter ko at pinakinggan naman nila ang panig ko. Hindi ko tinanggi ang mga ginawa ko. Pinatotohanan ko ito at sinabi ko na nagawa ko lang ito dahil sa takot ko na mag-isip sila na kumukuha ako ng pera. Wala naman silang sinasabi na nagtakbo o kumuha ako ng pera. Lagi lang nila sinasabi na FRAUD daw o dahil sa nag OMIT o CONCEAL daw ako ng mga facts pra pagtakpan ang pagkashort ko ng pera.

Kina lunesan, Dec12, pinapunta nila ako sa opisina para ibigay ang desisyon ng kumpanya regarding sa aking employment. dahil sa pakiramdam ko na iteterminate ako, inunahan ko na sila. Nagpasa ako on that day ng resignation letter kahit na sa mismong araw din na iyon ay inaabot sa akin ang termination letter. Hindi ko ito tinanggap dahil sabi ko nga magresign na lang ito. Nabasa ko naman ang sulat. Ito po b ale ang tanong ko:

1) kahit po ba na umamin ako sa mga kasalanan ko, totoo po ba na iterminate pa rin ako ng kumpanya dahil sabi nila wala na silang tiwala sa akin?

2) hanggang Dec 5 lang daw po ang babayaran nila sa payroll since hindi na nila ako pinapasok kinabukasan dahil sa pag-amin ko sa mga kasalanan ko at dahil din daw sa trust issues. Tama po ba na hanggang sa ganung araw lang ang babayaran nila kahit na sa resignation letter ko ay hanggang dec31 dapat ako?

3) Sabi ng ownerc s araw pa lang daw na inabot sa akin ang notice to explain at umamin ako sa mga kasalanan ko automatic daw po may karapatan na sila na iterminate ako since parang fraud nga daw po ang nangyari. Tama po ba ito?

4) May karapatan din po ba sila na maghold ng aking sahod at 13th month pay dahil sabi po nila itsetsek po muna daw nila lahat ng cash flow report na ginawa ko simula noong pumasok ako noong Oktubre?

5) Probationary Employee po ba ang tawag sa akin na nagsimula lang noong Oktubre?

Sana po ay may pumansin sa aking problema. Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum