Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

termination of a newly hired employee due to dishonesty

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

cadmium28


Arresto Menor

ako po ay bagong empleyado sa isang kumpanya na nagsimula lang noong October 2016. Isa po akong finance assistant, ako po ang gumagawa ng payroll at humahawak ng pera ng kumpanya sa araw-araw. Noong Disyember 5, binigyan po ako ng aking employer ng Notice regarding sa mga dishonest acts:
1) binago ko po ang cash voucher na pinirmahan ng kasamahan ko, sa halip na tamang amount ang nilagay ko pinalitan ko ito ng mas mataas na amount. ginawa ko po ito kasi nagshort ako sa pera. tinapon ko po ang original cash voucher dahil pinalitan ko naman ito ng bago ngunit nalaman ito ng employer ko
2) pinalitan ko din ang date ng isang resibo. kinausap ko ang kasamahan ko na kausapin ang establishment na ibahin ang date sa resibo na iniisyu nila para pagtakpan ang isang pangyayari na nagshort po uli ako sa pera
3) kinausap ko din po ang isang kasamahan ko na palitan ang amount sa cash flow report niya.

lahat po ng mga nabanggit na iyan ay pinatotohanan ko sa araw pa lang na inabot sa akin ang notice from HR namin. sa sulat binibigyan nila ako ng pagkakataon na magpaliwanag sa pamamagitan ng pagsulat ng letter at kakausapin ako ng personal ng aking employer pagkatapos ng tatlong araw. Sabi nila dahil trust issue ang problema sa akin, kinabukasan Dec 6 hindi na muna nila ako pinapasok hanggang sa araw na nakausap ko ang employer ko noong Dec10.

Sa aming pagkakaharap-harap, inabot ko ang explanation letter ko at pinakinggan naman nila ang panig ko. Hindi ko tinanggi ang mga ginawa ko. Pinatotohanan ko ito at sinabi ko na nagawa ko lang ito dahil sa takot ko na mag-isip sila na kumukuha ako ng pera. Wala naman silang sinasabi na nagtakbo o kumuha ako ng pera. Lagi lang nila sinasabi na FRAUD daw o dahil sa nag OMIT o CONCEAL daw ako ng mga facts pra pagtakpan ang pagkashort ko ng pera.

Kina lunesan, Dec12, pinapunta nila ako sa opisina para ibigay ang desisyon ng kumpanya regarding sa aking employment. dahil sa pakiramdam ko na iteterminate ako, inunahan ko na sila. Nagpasa ako on that day ng resignation letter kahit na sa mismong araw din na iyon ay inaabot sa akin ang termination letter. Hindi ko ito tinanggap dahil sabi ko nga magresign na lang ito. Nabasa ko naman ang sulat. Ito po b ale ang tanong ko:

1) kahit po ba na umamin ako sa mga kasalanan ko, totoo po ba na iterminate pa rin ako ng kumpanya dahil sabi nila wala na silang tiwala sa akin?

2) hanggang Dec 5 lang daw po ang babayaran nila sa payroll since hindi na nila ako pinapasok kinabukasan dahil sa pag-amin ko sa mga kasalanan ko at dahil din daw sa trust issues. Tama po ba na hanggang sa ganung araw lang ang babayaran nila kahit na sa resignation letter ko ay hanggang dec31 dapat ako?

3) Sabi ng ownerc s araw pa lang daw na inabot sa akin ang notice to explain at umamin ako sa mga kasalanan ko automatic daw po may karapatan na sila na iterminate ako since parang fraud nga daw po ang nangyari. Tama po ba ito?

4) May karapatan din po ba sila na maghold ng aking sahod at 13th month pay dahil sabi po nila itsetsek po muna daw nila lahat ng cash flow report na ginawa ko simula noong pumasok ako noong Oktubre?

5) Probationary Employee po ba ang tawag sa akin na nagsimula lang noong Oktubre?

Sana po ay may pumansin sa aking problema. Maraming salamat po.

christan19


Arresto Menor

Para s akin, tama ung ginawa nang company mo. Bnigyan ka nila nang notice to explain at umamin ka sa kasalanan mo. Dun pa lang pwede ka na nilang tanggalin. Kahit sabihin mo na umamin ka nman sa kasalanan mo, lumalabas pa din na may ksalanan k. Dishonesty ang labas nun kaya hindi ka na pwedeng pagkatiwalaan nang company. Pera pa nman ang pinag uusapan. Kaya wala ka nang habol sa company.

Oo. May karapatan silang ihold ang 13th month pay mo at sahod. Kung ang contract mo is within 6 mnths, probationary employee ka nga.

cadmium28


Arresto Menor

Pano po yun hindi ko naman po tinanggap ang termination letter kasi nga po inunahan ko na sila. ako po ang unang naglabas ng sulat kahit na inaabot na sa akin ng hr ang termination letter. sabi ko po sa kanila hanggang dec31 ang last day ko sa letter ko. kaya sabi ko po dapat bayaran nila ang araw ko hanggang dec31. tama po ba yun? ang sagot ng employer ko po kasi hindi daw po nila babayaran yung mga araw na wala ako lalo na po yung last day ko sa kanila na pinasok ko eh hanggan.c5 lang. parang nailagay po ako sa preventive suspension since pera nga po yung kinukwestyon sa akin.

regarding naman po sa contract, small company po kasi siya wala pong contract na naibigay sa akin o napirmahan ako. pero nagstart na po ako nung oct

christan19


Arresto Menor

Kahit na una kang naglabas nang letter, wla ka pa ding habol kasi may decision na sila sa case mo. Oo. Tama lang din na hindi ka bayaran kasi nga preventive suspension yun. Ibig sabihin, nagcoconduct sila nang investigation against you. Accept the fact na wala ka nang habol sa company.

lukekyle


Reclusion Perpetua

1. yes
2. yes
3 yes
4. yes
5. yes

council

council
Reclusion Perpetua

cadmium28 wrote:Ito po b ale ang tanong ko:

1) kahit po ba na umamin ako sa mga kasalanan ko, totoo po ba na iterminate pa rin ako ng kumpanya dahil sabi nila wala na silang tiwala sa akin?

2) hanggang Dec 5 lang daw po ang babayaran nila sa payroll since hindi na nila ako pinapasok kinabukasan dahil sa pag-amin ko sa mga kasalanan ko at dahil din daw sa trust issues. Tama po ba na hanggang sa ganung araw lang ang babayaran nila kahit na sa resignation letter ko ay hanggang dec31 dapat ako?

3) Sabi ng ownerc s araw pa lang daw na inabot sa akin ang notice to explain at umamin ako sa mga kasalanan ko automatic daw po may karapatan na sila na iterminate ako since parang fraud nga daw po ang nangyari. Tama po ba ito?

4) May karapatan din po ba sila na maghold ng aking sahod at 13th month pay dahil sabi po nila itsetsek po muna daw nila lahat ng cash flow report na ginawa ko simula noong pumasok ako noong Oktubre?

5) Probationary Employee po ba ang tawag sa akin na nagsimula lang noong Oktubre?

Sana po ay may pumansin sa aking problema. Maraming salamat po.

1. Tama. In effect, nagnakaw ka sa pamamagitan ng pag-tamper ng mga dokumento. Sa korte, kahit umamin ang mga nagkasala, may parusa pa rin na ginagawad.

2. Naka-suspinde ka na mula ng Dec 6 so wala ka nang sweldo nun. Walang kinalaman ang pagbigay mo ng resignation letter mo dahil meron nang naunang proseso na kailangan tapusin. At ang resignation letter mo, kung valid man, ay kailangan pa ng approval ng management kung papayagan ka o kung tatanggapin nila.

3. Hindi lang parang fraud ang nangyari. Talagang fraud iyon. Pandaraya at pagnanakaw.

4. Oo. Dahil sa mga kababalaghan na ginawa mo sa isa o dalawang bagay, nagkaroon na ng duda ang employer mo na baka lahat ng transaksyon na hinawakan mo ay may mali o pagkukulang. So titingnan nila yan isa-isa.

5. Oo.

At maghanda ka na rin, dahil pwede ka pang kasuhan sa korte ng employer mo dahil sa fraud, estafa, o pagnanakaw dahil sa ginawa mo.

http://www.councilviews.com

council

council
Reclusion Perpetua

cadmium28 wrote:Pano po yun hindi ko naman po tinanggap ang termination letter kasi nga po inunahan ko na sila. ako po ang unang naglabas ng sulat kahit na inaabot na sa akin ng hr ang termination letter. sabi ko po sa kanila hanggang dec31 ang last day ko sa letter ko. kaya sabi ko po dapat bayaran nila ang araw ko hanggang dec31. tama po ba yun? ang sagot ng employer ko po kasi hindi daw po nila babayaran yung mga araw na wala ako lalo na po yung last day ko sa kanila na pinasok ko eh hanggan.c5 lang. parang nailagay po ako sa preventive suspension since pera nga po yung kinukwestyon sa akin.

regarding naman po sa contract, small company po kasi siya wala pong contract na naibigay sa akin o napirmahan ako. pero nagstart na po ako nung oct

Ang resignation letter ay subject to approval at acceptance pa ng management. Hindi lang dahil nagbigay ka nun ay matatapos na lang ang lahat at kakalimutan na ang nangyari.

At bakit ka naman bibigyan pa ng hanggang Dec 31 para manatili dun kung meron na silang katibayan (dahil sa pag-amin mo) na ikaw ay nakawala ng pera nila, at dinoktor mo ang mga papeles para pagtakpan iyon?

Hindi lang dahil sinabi mong hanggang Dec 31 ka na lang at dapat bayaran ka, ay yun ang gagawin nila.

Kung ikaw ang may-ari ng kumpanya, bibigyan mo pa ba ng ilang araw na trabaho ang tauhan na alam mong gumawa ng milagro sa opisina at baka gumawa pa ng ibang bagay na makakasira sa kumpanya?

Kesyo meron o wala kang kontrata, maliit na bagay lang yan. Sabihin na lang na kunwari dahil walang kontrata ay regular kang empleyado - nakagawa ka pa rin ng kasalanan at pwede ka pa rin tanggalin.

http://www.councilviews.com

council

council
Reclusion Perpetua

cadmium28 wrote:1) binago ko po ang cash voucher na pinirmahan ng kasamahan ko, sa halip na tamang amount ang nilagay ko pinalitan ko ito ng mas mataas na amount. ginawa ko po ito kasi nagshort ako sa pera. tinapon ko po ang original cash voucher dahil pinalitan ko naman ito ng bago ngunit nalaman ito ng employer ko
2) pinalitan ko din ang date ng isang resibo. kinausap ko ang kasamahan ko na kausapin ang establishment na ibahin ang date sa resibo na iniisyu nila para pagtakpan ang isang pangyayari na nagshort po uli ako sa pera
3) kinausap ko din po ang isang kasamahan ko na palitan ang amount sa cash flow report niya.

1. Magkano ang halaga ng voucher nung una? Magkano ang mas mataas na halaga? Magkano ang short mo na pinagtatakpan mo?
2. Magkano naman ang short mo sa pangalawang pagkakataon?
3. Bakit mo pinapapalitan ang amount sa cash flow report ng kasama mo?

Kung nagawa mo yan sa tatlong bagay, maiisip ng employer mo na baka ginawa mo yan sa lahat ng transaksyon.

http://www.councilviews.com

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum