Ako po si Jeff, kasalukuyag nakatira sa Madaluyong City. Ang aking bunsong kapatid po, si Jimboy, 19 years old, kasalukuyang nakatira sa Sariaya Quezon, ay aksidenteng nakabangga ng isang bata, Joshua 11 years old, hindi naman po tinakbuhan ng aking kapatid ang responsibilidad, katunayan ay dinala nya kaagad sa pinakamalapit na hospital sa lucena kung saan nangyari ang aksidente. Patuloy rin naming sinuportahan ang bawat gamutan, operasyon at hospitalization ng bata. Noong una napakiusapan pa namin ang pamilya ng bata kung maaari ay tulungan kami sa pagbabayad ng hospital bill upang mailabas ang bata sa hospital dahil wala rin kaming kakayahan na magproduce ng malaking halaga, verbal agreement lang po ang nangyari at ayon sa unang napagkasunduan, 60% ng bill ay sa amin at ang 40% ay sa kanila. Subalit dahil sa misunderstanding na nangyari, isinama ng aking bunsong kapatid ang magulang ng bata sa isang attorney upang gawan ng legal document ang kasunduan, ang pagkakamali lang ng aking kapatid ay hindi niya nasabi sa pupunta sila sa attorney sa takot na baka kung anong isipin ng mga magulang ng bata, at nangyari nga nung dumating sila sa opisina ng abogado, inakala ng magulang ng bata na pini-frame up sila at nagalit. Binawi ang unang napagkasunduan at bagkos ay pina-shoulder sa amin ang lahat ng bill, wala kaming nagawa kundi pilit na humanap ng pambayad. Sa ngayon po ay nailabas na namin ng hospital ang bata, sa tulong ng mga kaibigan at kamag-anak namin, naisangla ang titulo ng lupa ng aming lolo upang mabayaran namin ang hospital bill na mahigit 130k kahit tutol ang mga tiyahin at tiyuhin namin dahil alam nila na wala kaming pagkukunan ng pambayad sa laki ng perang yon. Isa pang pagkakamali ng aming panganay na kapatid ay noong binayaran nya ang hospital upang mailabas ang bata, hindi siya nakagawa ng kasunduan na labas na sa anumang obligasyon ang aming pamilya sakaling ma-hospital muli o magkaroon ng komplikasyon ang bata sa kanilang pangangalaga. At nangyari nga, nakakatanggap ang bunso kong kapatid ng text nitong nakaraang araw mula sa pamilya ng bata, na nai-confine daw ulit ang bata sa hospital at humihingi na naman ng suporta, nagbabanta na kakasuhan daw ang kapatid ko kung hindi namin ulit tutulungan. Sa totoo lang po hindi pa namin nasisimulan ang pagbabayad sa titulo ng lupa na kasalukuyang nakasangla. Ano po ba ang dapat naming gawin? May obligasyon pa rin po ba kami sa bata? May karapatan po ba kaming maghain ng reklamo laban sa pamilya kung sakaling mag demand sila ng suporta mula sa amin? Hindi na po namin alam kung ano ang dapat gawin. Sana po ay matulungan nyo kami. Salamat po