I am now 25 years old. 8 years old ako nung iniwan kami ng tatay ko, may dalawa akong kapatid, 21 and 22 yrs. old. Aware ako na may step sister ako na mas matanda sakin pero sila mommy at daddy ang kasal. Nagparamdam ulit ang tatay ko december 2015. Nakipag usap sya samin na babawi daw sya sa lahat ng kanyang pagkukulang. Pero huling pakita nya samin this year ng april, after noon wala nanaman komunikasyon. Nasabi ng pinsan ko sakin lately lang na may isa pa daw kaming kapatid. Sakin ok lang naman, knowing my dad na babaero. Gusto ko sana syang i message baka kasi pinapabayaan din sya tulad ng ginawa samin ni daddy pero nahihiya ako. Until mabigay sakin ang cp number nung stepsister ko na panganay sakin. Nalaman ko na may kinakasama si daddy ngayon, yung nanay ng sinasabi nilang isa pa naming kapatid. Marangya daw ang buhay nila at nabibigay lahat ng gusto nung anak nila, maraming ari-arian na napundar daw, mga lupa at negosyo. Samantalang yung stepsister ko na panganay samin e sa barong-barong lang tumutuloy, kahit na sa tagaytay lang din ang ate ko. Nung nalaman ko yun sumama ang loob ko, gusto kong magfile ng case against them. Kumuha ako ng Birth cert ng Mommy and daddy ko at marriage contract nila. Kaso may napansin ako sa marriage contract nila at sa birth certificate ni daddy. mali ang middle initial ng tatay ko, at yung pangalan nya sa birth certificate e ARTEMEO pero sa marriage contract e ARTEMIO, mali din ang birthday ni daddy na naka indicate sa marriage contract nila against sa birth certificate nya. Sa Huwes sila kinasal ni mommy, ang sabi daw sa kanya dati e hindi naman peke ang kasal nila, itatama nalang yung mga details. Ngayon, nag aalala ako baka hindi legal ang kasal nila ni mommy. PAANO BA MALALAMAN KUNG LEGAL O PEKE ANG KASAL NILA? At kung legal ang kasal nila, ANO ANG HABOL NAMIN SA TATAY KO? Salamat po sa lahat ng makakatulong