Ganito po yun kwento ko.. Yun mister ko ay isang Filipino na naturalized lang sa U.S. Pero bago cya naging U.S. citizen eh nagpakasal sya dito noon sa Pilipinas gamit ang tunay nyang pangalan na Reynaldo. Ang problema po nun na naturalized cya bilang U.S citizen sinabayan nya nagpalit ng pangalan kaya from Reynaldo naging Ray na lang sya sa U.S passport nya. Ngaun ang tanong ko po eh ganito. May record na cya ng kasal sa una nyang asawa gamit ang pangalan nya na Reynaldo tapos nagpakasal din cya sa akin after how many years ng kasal nya sa una gamit naman yun pangalan nya na Ray na lang. May bisa po ba yun kasal namin na yun?