Need your advise. Pinasok ng mga pulis yung house ng wife ng brother ko. Natutulog sya during that time, while his biyenan na lalaki was watching TV together with manugang. Pagkapasok ng mga pulis pinalabas yung manugang na babae. At tinaniman ng drugs yung house nila at dinala na sila sa presinto. Positive daw ang drug test at kinasuhan sila ng Section 13, 14 and 15. Mag 2 weeks na silang nakakulong.
Na inquest narin sila at napirmahan na ng piskal yung kaso. Hindi namin alam ang gagawin. Ang alam lang namin hindi addict ang kapatid ko at yung biyenan nya matanda narin para gumamit nun. Wala kami nung nangyari yun. Pero ang kwento ng kapatid ko dinala sila sa madilim at doon tinutukan sya ng baril at sinabi ng pulis na i zero zero na kita. Awang awa ako sa kapatid ko ang nasa 20's palang sya pinapangutang ko pa pang tuition fee nya para magkaroon sya ng magandang kinabukasan. May question are:
1. May laban ba kami sa kaso?
2. Paano kami nakaka siguro na totoo yung positive na result sa drug test? kapag ng vitamins ba at umiinom ng antibiotic pwedeng mag positive ang result?