Last October 17-20 po kasi is absent ako and then sinabi po nang accounting supervisor namin dun sa Vice president po nang finance namin na absent po ako. Tapos po sinabi din po nang accounting supervisor namin na madami daw po akong leaves at palagi daw po akong late magsubmit nang mga reports. Agad pong sinabi nang Vice president nang finance namin na "kung ganon naman pala, e di tanggalin na lang natin". October 22 po, kinausap ako nang HR at sinabing teterminate na daw po ako. It's either magpasa daw po ako nag resignation or hindi. Kapag daw po hindi ako nagpasa, wala daw po akong makukuhang certificate, last pay, 13th month at tax refund. Sabi ko po "cge magpapasa ako". Sabi po nang HR if kaya ko na daw po gumawa ngayon. Sabi ko po "sige gagawa na ako". Pero po nagbago isip ko noong nakausap ko yung sa dole. Sabi ko po sa HR na kakausapin ko muna yung HR manager namin at yung Vice President. Ang sagot po sa akin, ayaw na daw po makipag usap kasi mataas na position na yun. Dun na po ako nagalit. Maya maya po, umakyat yung HR namin at kakausapin daw po ako nang HR manager. Nung nakausap po ako nang HR manager, sabi ko po na bakit naman ganon. Lahat naman nang leaves ko ay approve at kung may problema sana sila sa leaves ko, sana binigyan nila ako nang memo nang warning or suspension. And about naman sa report, sabi ko nag imbestiga ba kayo? Nagtanong ba kayo sa mga department na naeencounter ko. Sagot niya po sa akin "sige. bibigyan na lang daw ako nang memo nang suspension". Pumayag naman po ako. So, akala ko ok na. October 27, pinatawag na naman ako nang HR. Sinabi sa akin na last day mo na at mag turn over ka na. Nasaiyo kung magpapasa ka nang resignation letter or magpafile ka nang case sa dole which is illegal dismissal. Sabi ko po hindi ako magpapasa nang resignation letter. Before mag out, pinatawag na naman ako at ireceive ko daw po yung notice to explain. Sabi ko po kelangan ko pa ba ireceive yan? e last day ko na. Sagot nang HR "notice to explain lang naman yan at pwede mo iemail sagot mo".
October 28 po nagfile na ako complain sa DOLE at sa december 1 po first mediation namin.
Tanong ko po:
1. May laban po ba kame sa case at if ever na makipag ayos sila, ano po yung makukuha ko?
2. At saka po Jan. 25-July 21, 2016 lang po ang pinirmahan ko na probationary period pero after po mag end yung contract ko is sinabihan ako nang acting treasury manager namin na extend ako nang another 2 months probationary dahil daw po sa attendance pero wala naman po silang pinapirmahan na extension nang contract. Ang tanong po, is kelan ang date nang regularization ko?
yun lang po and sana matulungan nio po ako.