Nangyari po to nung January 31, 2016 ng 3pm. Pauwi po ako galing trabaho habang binabaybay ko po ang airport road. May motor po na biglang bumangga sakin na galing sa gater side. Nakastop po ako dahil stop ung sa traffic light nung nag go na po dahan dahan akong umandar dahil may sasakyan sa unahan ko tapos nagulat nalang ako na may tumama sa right side passenger door ko. Since 1st time kong mabangga hindi ako nakahinto dun sa incident gumilid muna ako kasi makakaabala ako sa ibang sasakyan. Nung nabangga niya ung kotse ko tumaob siya ng motor niya at nabalian ng elbow. Dinala agad siya sa pinakamalapit na ospital para magamot agad. Ako naman pinadiretso nila ng traffic bureau para ipaliwanag ang nangyari. Sinabi ko na sasagutin ko ung ospital niya at ung motor niya. Umoo na siya nung una tapos nagulat nalang ako na may subpoena na ko. Umattend ako ng mga hearing namin sa City Hall. Umamin ako sa kanya na wala akong maibabayad sa kanya agad agad dahil ang hinihingi niya is P150,000. Sabi ko makikipag usap ako sa insurance ko para bayaran siya. Pumayag naman siya binigay ko pa sakanya ung number ng nag aasikaso ng claim ko para maniwala siya na hindi ko siya tatakbuhan at para pwde din niyang ifollow-up kung gusto niya. Hiningi ko lahat ng mga resibo at mga ibang dokumento na kailangan ng insurance. Ilang beses pa kaming nagkita. Nung hinihingi ng Insurance ung amedicl certificate niya sa isang ospital kung san siya nag paopera hindi na siya nakipagusap sakin. Tinatawagan ko at tinetext ko hindi ako sinasagot hanggang sa nakatanggap ako ng resolution na lumalabas na ako ang kasalanan dahil hindi ako nakapagsubmit ng counter affidavit dahil akala ko ok na kami dahil may kasulatan na babayaran ko siya. Ngayon kailangan ko ng magbayad ng P6,000 for bail set at may branch na para dun sa kaso namin.
Ano pa po ba ang pwde kong gawin? Any moment daw po magseserve sila ng warrant of arrest. Salamat po.