Hello po. I'm a Filipina married to a Malaysian. May anak po kami at Malaysian din po siya. Naisagawa po namin ang report of marriage sa embassy natin sa Malaysia, pero ang report of birth po ang hindi. Ngayon po, may documents na kailangan ang DFA para maayos namin 'to. Pinapapunta kami sa PSA office sa East Avenue, QC at kailangan namin kumuha ng marriage certificate namin na kulay dilaw tulad daw ng NSO birth certificate, pati na rin ang negative certification of birth ng anak namin. May mga kailangan po ba ako dalhin documents? Magdadala naman po ako ng sa tingin ko ay kailangan. Binigyan lang po kasi ako ng dispatch number, reference number, at delivery date ng DFA noon tumawag ako at na pull up yun info ko after ko mag bigay ng detalye namin. Worried ako na baka mamaya pag pumunta kami doon, wala na naman mangyari tulad ng ibang opisina na kulang mag bigay ng impormasyon.
Free Legal Advice Philippines