Gusto ko po humingi ng payo sa kung ano nararapat gawin o legal na aksyon sa problema ko po.
Ako po ay nghiram ng pera sa aking tiyahin para ipautang po o ipa 5 6. Maayos naman po sa umpisa ilang bwan po lumipas nag ka problema po ako sa agente kausap ko kumare ko po sya. March 2016 hindi na po sya nakapag bigay ng hulog sakin ng mga tao na pinasahan nya ng pera. Halos lahat po ng napasahan nya ng pera katrabaho nya. Una dahilan po nya nawalan sila laht ng trabaho. Nangako po sya na gagawan ng paraan. Nakakapag bigay po sya ng pa onti onti hanggng sa dumating na po sa point na hindi na po sya nakipag usap sakin. Wala na po ako natanggap na hulog galing sakanya. 240k pa po lahat hindi nya naibalik sakin. Meron po nakipag usap sakin sa cellphone na tiyahin nya umano nagpakilalang Josie. Ang sabi po nya may sakit daw po yung kumare ko nagkaroon ng nervous breakdown hindi makausap dahil daw po sa takot sakin kaya kung mag dedemanda daw po ako wala mangyayari hindi po ako masyado nakumbinsi kaya gumawa ako paraan para malaman ko po totoo. Sa pag tatanong ko po sa mga kakilala namin nalaman ko po wala po sya sakit. Nalaman ko din po nag tatrabaho sya ngaun sa isang call center sa Quezon City nakita ko po sa facebook post ng kasama nya ngaun sa trabaho . Sa pamamagitan din po ng facebook nakausap ko si Rochelle isa sa mga pinasahan nya ng pera na nakapag hulog sya sa kumare ko simula nawalan sya ng trabaho hanggng nung July 29 at 15k lang po ang nakuha nya pera at hindi ang alam ko na 40k. Napatunayan po ni Rochelle sakin na 15k lng dahil sa txt ng kumare ko sakanya sa kung magkano nlng tira sa loan nya imbis po na 45k 9600 nlng po sinisingil sakanya ng kumare ko. Ilang beses ko parin po siya tinatawagan tinitxt wala po sagot.
Ano po dapat ko gawin? Maibabalik pa po ba sakin ung pera? May habol po ba ako? Wala po kami kontrata meron lang po ako lista ng pera na naibigay ko sakanya at ni received nya.
Sana po matulungan nyo po ako sa kung ano po dapat at mga kaylangan gawin. Maraming salamat po.