Gusto ko lang po humingi ng tulong tungkol po sa sitwasyon namin ngayon. Ini loan po namin ang bahay at lupa po namin sa Peacock Finance Corporation. Sa halaga po ng 150,000.00 Ang total value po ng property po ay 2-2.5M po na pinaghirapan po ng aking ama na pinundar nung cya ay isang OFW. Sa kasamaang palad di po kami nakakabayad ng halos 1 bwan na kasi sa hina po ng negosyo namin. Wala naman pong notice na dumating sa amin pero nalaman nalang po namin na ipinasa sa bangko ng aming pinagsanglaan at tinatakot po kami na pag di po nahabol ay mafo foreclose po ito. Ilang beses ko na po noon humuhingi ng kopya ng kontrata pero di nila ako nabgyan kasi ang sabi nila nasa kontrata na pinirmahan na kahit isang araw lng di makabayad ay may right sila ipasa sa bangko. Ano po ba magandang gawin? Sa ngayon po ay wala po kaming kakayahan na magbayad kasi halos wala po kaming kinikita sa aming maliit na pinagkakakitaan. Ilang buwan po bang palugit ang binibigay ng isang bangko para mailit po ang isang property?
Sana po ay mapayuhan po nyo ako kong anu magandang gawin. Maraming salamat po. God bless