Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

maaari bang kasuhan ng estafa ang nag promissory note na?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Jannabil


Arresto Menor

Good evening po! tatanong ko lang po, kapag po ba nagbigay na ng notarized promissory note na babayaran nman po ang naiwalang pera sa kumpanya, maaari pa din po bang kasuhan ng estafa? nakasaad po dun ang terms na installment payment. kasi ndi po talaga kayang bayaran ng buo ang malaking halaga ng kulang 1M po, ang kaya lang po sa ngaun ay nsa 350k, ang balance po ay babayaran ng nsa 60k kada taon po.
sabi po kasi nung abogadong nagnotaryo, mas ok daw na nag promissory note kaysa kasuhan ng estafa. pero ang sinasabi po nun kumpanya, kakasuhan pa dn daw po, dahil kailangan nila ang buong halaga. pero wala nman po silang binibigay na notice na di sila sang ayon sa terms. ano po ba ang dapat gawin dun? ikukulong po ba agad yun? may warrant of arrest po ba agad yun? or may subpoena po muna para pag usapin sa harap ng abogado? pano po kung inaako nman po na bayaran pero ndi biglaan na buo, sa paraang installment lang po. ano po ang maisa suggest nyo po. salamat po.

council

council
Reclusion Perpetua

Sino ang gumawa at nag offer ng promissory note?

Kung hindi kayo nagkasundo sa terms bago gumawa ng PN, o hindi kumpanya ang gumawa o nag-offer ng ganung settlement, hindi sila obligadong tanggapin ang inaalok na PN.

http://www.councilviews.com

Jannabil


Arresto Menor

Ung PN po, binigyan nila ng sample tapos ilagay daw po dun kun paano ang terms. nagbanggit pa nga po ng kunwari ganitong amount kada year. So nun ginawa na po un PN na notarized, nakalagay na po dun yun terms na kaya lang na paraan ng pagbayad. sila po ang nagbanggit ng sample. tapos po bigla sila magme message na di daw po sila sang ayon sa terms, bayaran daw po ng buo, kinabukasan daw po agad. wala naman po sila binibigay na written notice na di pla sila sang ayon dun sa terms ng PN, kun di pa sila i message sa fb, di sila magsasabi. pero di ba po dpat may in writing?
maaari pa dn po ba sila nun magkaso ng estafa? eh paano naman po mababayaran ng buo un eh wala naman po syang ganung halaga, kukunin lamang sa sahod nya yun buwan buwan.
nanggigipit lamang po ba iyon?

council

council
Reclusion Perpetua

Jannabil wrote:Ung PN po, binigyan nila ng sample tapos ilagay daw po dun kun paano ang terms. nagbanggit pa nga po ng kunwari ganitong amount kada year. So nun ginawa na po un PN na notarized, nakalagay na po dun yun terms na kaya lang na paraan ng pagbayad. sila po ang nagbanggit ng sample. tapos po bigla sila magme message na di daw po sila sang ayon sa terms, bayaran daw po ng buo, kinabukasan daw po agad. wala naman po sila binibigay na written notice na di pla sila sang ayon dun sa terms ng PN, kun di pa sila i message sa fb, di sila magsasabi. pero di ba po dpat may in writing?
maaari pa dn po ba sila nun magkaso ng estafa? eh paano naman po mababayaran ng buo un eh wala naman po syang ganung halaga, kukunin lamang sa sahod nya yun buwan buwan.
nanggigipit lamang po ba iyon?

"Kunwari" - so hindi sa kanila galing ang halaga at takdang panahon ng pagbabayad. So hindi nila obligasyon na tanggapin iyon.

http://www.councilviews.com

Jannabil


Arresto Menor

nagbanggit po sila na halimbawa daw po 50,000 kada year kaya ginaya lang din po yun sinabi nila at inilagay sa PN.

council

council
Reclusion Perpetua

Jannabil wrote:nagbanggit po sila na halimbawa daw po 50,000 kada year kaya ginaya lang din po yun sinabi nila at inilagay sa PN.

yun nga, halimbawa lang yun kung paano gumawa at kung ano ang ilalagay.

dapat kinausap mo na sila nun pa lang kung ano ang pwede nilang tanggapin.

at sila ang gumawa.

http://www.councilviews.com

Jannabil


Arresto Menor

tinanong naman po sila, yun po ang sinagot nila, una nga po sinabi na ndi marunong gumawa ng PN, kaya nagprint sila ng sample, ulitin na lang daw yun, idugtong yun kung pano babayaran at yun nga po nagbanggit ng halimbawa at saka ipa notarized. tapos nun ibinigay npo yun notarized last last tuesday pa, nireceive naman po nila. tpos ngaun na minessage sila, bigla sasabihin di sila sang ayon. kundi pa imessage, di magsasalita.

HrDude


Reclusion Perpetua

UNa sa lahat, yung nawala bang pera ay dahil sa katangahan o dahil sa panloloko/krimen/panggagancho nung taong may hawak ng pera?

Bago kasi masagot ang tanong mo pagdating sa Estafa e sagutin mo itong mgfa tanong na ito.

Jannabil


Arresto Menor

naiwawala po

Jannabil


Arresto Menor

dapat nga po magpapaunang bayad ngayon worth 1/3 ng total ng halaga kaso po ayaw nila pumayag, gusto buo, kaya di natuloy.

Jannabil


Arresto Menor

dapat nga po magpapaunang bayad ngayon worth 1/3 ng total ng halaga kaso po ayaw nila pumayag, gusto buo, kaya di natuloy.

HrDude


Reclusion Perpetua

Jannabil wrote:naiwawala po

Hindi mo naman sinagot yung tanong e. Paano nawala yung pera? ito ba ay dahil sa kapabayaan/katangahan o dahil sa krimen/misappropriation/panloloko nung naghahawas sa pera?

Sagutin mo ng maayos ang tanong para mabigyan ka ng tamang sagot.

At ang pangbabayad ng pera kapalit ng nawawalang pera ay ibig sabihin lang nun ay ang pag-amin sa pagkawala ng pera.

Jannabil


Arresto Menor

kapabayaan po, at inako naman po, kaya nga po nangako na babayaran.

HrDude


Reclusion Perpetua

1M ang halaga ng nawalang pera ng dahil sa kapabayaan? Ilang beses nangyari ang kapabayaan? Paulit ulit ba hanggang umabot sa 1M?

Ang Estafa kasi ay isang krimen. Kung nawala ang pera dahil sa kapabayaan e hindi puwedeng ipasok ang Esatafa sa sitwasyon na ito.

Jannabil


Arresto Menor

opo, naulit ulit. di npo kz matandaan kung saan nailagay mga envelope na pinaglagyan, bka nahulog kung saan o naihalo na sa iba...

kapag po ba nireceive nila yun PN, pinirmahan nila, ibig sabihin po ba tinatanggap nila ang nakasaad po dun?

HrDude


Reclusion Perpetua

Hindi kapanipaniwala na sa paulit ulit na kapabayaan ang dahilan ng pagkawala ng pera na aabot sa 1M. Kahit idemanda pa ng kumpanya yung tao ng criminal case ay siguradong mananalo ang kumpanya. walang korte ang maniniwala sa kapabayaan ng tao, ito marahil ay paulit ulit na ninanakaw.

Kaya kahit magpirmahan sila ng kumpanya ng PN, pwede pa din idemanda ng kumpanya yung tao pero hindi Estafa kundi Qualified Theft.

Jannabil


Arresto Menor

inako nman po nya at nangakong babayaran di nga lang po nya kaya ng buo, kaya nga magbabayad sana sya ng 1/3 ng total na halaga nun sabado kaso ayaw, kasi naghahanap pa ng mapagkukunan or mauutangan.
sya kasi ang pinaghahawak nun usd na yun pagdating nya sa opisina, inilalapag na nya kung saan yun envelope nun tapos bigla na syang uutusan ng sankaterba kaya kun minsan di na nya matandaan san naipatong naisuksok, hanggang sa mawala. makakalimutin pa nman po sya. may mga instance pa nga na nangyari isang oras p lng nkalipas, nakalimutan na nya.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum