Ask ko lang po kung ano ang ibig-sabihin ng Co-Terminus Contract?
Ang issue po kasi is nagtatrabaho po ako sa isang poultry dressing plant as Maintenance crew for more than a year already ever since na nagsimula po aq sa company na ito wala pa po akong pinipirahang kontrata kahit isa na nagsasaad ng aking katungkulan at mga benipisyo..last July 21 po aq nag one year sa kanila and i ask the HR about sa contract kasi po i was hoping i can discuss my employment status hoping na regular na po ako dahil nakalagpas na po ako ng isang taon sa kanila also to bargain po sa mga benipisyong hindi namin nakukuha like VL,SL Paternity at saka po Medical Insurance..Nuong kinausap ko na po si HR ang sabi nya po sakin ay wala daw po kaming makukuhang mga ganun benipiso dahil wala naman daw pong ragularisation sa company(which is as far as i remember wala silang binanggit eversince before) dahil under Co-Terminus Contract daw po kami. Ito po ang nagpapagulo sa amin kung anu po ba ang ibig sabihin ng Co-Terminus Contract, nasa tama pa po ba ang pamamalakad nila sa mga empleyadong kagaya namin Skilled or ginagawa na la po nilang dahilan ang salitang Co-Terminus Contract pra makaiwas sa mga benipisyong dapat naming makuha..
Ako po Umaasa na sana ay matulungan nyo po ako sa hinaharap para sa aking problema hinggil sa pamamalakad sa amin ng aming kumpanya..
Pagpalain po kayo ng Panginoon..