May anak po ako na 5yrs old na lalaki at kasal po kami ng kanyang ina. Ang asawa ko po ay nabuntis ng kanyang lalaki na ipinalit nya sa akin. Nakumpirma ko pong may anak na po talaga sila at sa lalaki nya nakaapelyido yung bata. Gusto ko pong malaman kung sakaling mag-file ako ng adultery case laban sa kanila at kung palarin akong manalo, sa akin na po ba mapupunta ang full custody ng anak ko kahit below 7yrs pa ito? Salamat po.