Hi po. Tatanong ko lang po kung may chance ba kami ng husband ko na madissmiss ung case na ifinile sa amin ng dati naming kapitbahay?
Ang ngyari po kase is meron kaming utang sa kanya thru verbal na 5k, 10k at meron pa po na iba naging 32k na daw dahil may iba pa kaming utang na naiwan daw before kami magbakasyon ng asawa ko sa Cavite ng walang kasulatan. Nagkaron lang naman po kami sa kanya ng utang dahil sa baby ko na may brain tumor at hydrocephalus at nangangailangan magpabalik balik sa ospital. Dun po sa 32k na yon e kasama na ung laptop namin na isinanla namin ng 10k sa kanila. Medyo natagalan po ang pagtubos namin at kinonsidera na nila na rematado na daw pero wala kami kasunduan kung kelan mareremata dahil ang inisip namin ay tulong na nila un sa anak nmin na may sakit na kalaunan e namatay din. Ung laptop po na isinanla ko sa kanila e kusang loob nila ibinalik sa amin at tubusin na lang daw namin sa halagang 8k maibalik lang ung pera dahil nangangailangan din sila at di naman daw nila magamit ung laptop kaya pumayag na rin kami.
Ngaun po e inunti unti namin sila bayaran kahit wala kami listahan at kasulatan dahil sa utang na loob namin na pinautang nila kami. May mga araw na pag nagbabayad kami e nanghihingi kami ng listahan pero ang lagi nila sinasabi e nililista naman daw nila kaya di kami dapat magalala. Hanggan sa isang araw bago magpasko last year e sinabi ko po na pass muna ako kase magpapabinyag ako ng bunso ko dahil lagi nga may sakit pero nagalit po sya at pilit ako pinagising sa nanay ko na hindi daw pwepwede na di ako maghuhulog. Nagwala po sya sa tapat ng bahay namin at nagsisisigaw. Pumunta sa barangay at sa akala ko e nagreklamo sya. Sumunod ko para kausapin. Pagdating namin sa barangay, maguusap dapat kami sa harap ni Chairman e habang naghihintay bigla nya ako dinuro duro, sinabihan ng kung ano ano at binato ng mga barya sa mukha sa harap ng isang naming kagawad. Di ako lumaban o kumibo dahil ayoko sya patulan. Siste ba naman e pinatawag nya pa ang asawa nya at pareho silang nagsalita sa akin ng kung ano ano. Di na kami nakapagayos sa barangay dahil sa pagwawala nya, nagwalk out na po ako at tinangka nya ako hablutin sa may pinto palabas kaya muntik na ako mahulog sa hagdan at nakita un ng aming kagawad at chairman. Nagtuloy tuloy pa rin ako pauwi sa amin dahil alam ko walang pupuntahan ung usapan namin at sinundan pa rin nila ako magasawa. Binato ng payong sa labas at pinagsisigawan na manloloko daw ako pati pamilya ko. Umuwi muna ako ako sa amin at sinabi sa nanay ko ung ngyayari. Pagtapos ng 30mins bumalik po ako sa barangay para magpablotter sa ginawa nya at di ko naisip na magpamedical dahil may trabaho din ako.
After po ng ilang linggo, pInatawag ako sa barangay ng mga lupon para ayusin ung utang ko daw na di ko binabayaran sa kanila. Theft daw ang kaso ko. Isinama pa nga nila ung pinsan ko na bumibili daw ng nakaw. Nagconcentrate lang ung lupon sa utang ko at di man lang tinanong kung bakit kami umabot sa ganun. Napilitan po ako na pumirma sa barangay na magbabayad ako ng 2500 every month for 4 months. Sinbi ko na habaan dahil marami rin ako bayarin pero sabi nila na masyado na daw matagal ung binigay nila.
Nung araw din na un nawalan ako ng trabaho dahil nagsara ung company namin. Nakipagcompromise ako sa isang lupon na itatry ko magbigay kahit papaano pero dahil may iba pa kaming prob sa bahay e napilitan kami lumipat ng Pasig. Alam po nila na lumipat kami dahil nakakausap naman namin ung isang lupion. Di po namin alam e nagfile na sila ng kaso sa amin na estafa art 315 par A. Nagtataka po ung tita ko kase ung summon daw e ung unang dalawa na pinadala e ako lang nakalagay tapis ng isang linggo dalawa na kami ng asawa ko at nauna ung date ng warrant kesa sa summon. Kaya po bingyan kami ng warrant at nakulong kami ng asawa ko kahit ako lang ang nakapirma sa barangay. Mas malaki pa po ung bail namin tig 10k kami sa halagang 10k na utang. Ngaun po e unang arraignment namin sa Aug 18. Di po namin alam gagawin. Sana po mabigyan nyo kami ng advice. Thanks. God Bless!