Hingi po ako ng tulong sa inyo. May loan po ako at credit card sa isang bank.yung loan po pinambayad ko ng ibang utang. 100,000 po yung loan amount payable in 36months. nakabayad na po ako ng 24 months.PDC po yung required nila kaya napilitan po ako kumuha ng check sa ibang bank na mababa ang maintaining.bread winner po ako at talagang nagipit po ako sa pagpondo ng cheke . Lahat po ng naibayad ko ay nasa 105,000 na at hindi ko na po napondohan yung cheke.Yung sa credit card po binigyan nila ako ng restructure at PDC din.kahit nahihirapan na po ako, ginawa ko pa din kasi po hindi sila pumayag na walang PDC.100,000 lang po yung limit ng card pero yung sa restructure nila naging 113,000. Nakabayad po ako ng 25,000 at hindi ko na po napondohan yung cheke at nagclose na .kase po below maintaining na po.Ngayon po tinatakot nila ako na bibigyan ng warrant of distraint at ifile daw yung case sa Pasig metropolitan trial court branch 71.lagi po sila nagtetext na pupuntahan ako sa bahay, office at sa ipapabarangay.kung tutuusin po bayad ko po yung principal loan na 100,000 at yung sa credit card,wala po talaga ako pambayad.naibentabko na lahat. makukulong po ba ako? anu po dapat kong gawain? salamat po