Ang problema po ngayon noon pa ay mukha na syang pera hingi ng hingi at nagpapadagdag pa. Eh simula noong naghiwalay sila 3 buwan lamang po ang nakakalipas ay mayroon na rin syang kinakasama hanggang ngayon. Nung una goods po ang bnbgay ng aking hipag dahil ayaw namin syang bigyan ng pera noon ngunit sya ay nagalit. Ngayon po simula nung hndi na po kami nakakapag bigay ng pera sa dahilang wala ng trabaho ang aking live in partnet sya ay pumunta sa bahay ng aking hipag at nagwawala upang manghingi ng number namin. Tumwag sya samin at sinasabi niya mag fifile raw sya ng demanda dahil kelangan raw po niya ng pera. Nagpadala po ako kinabukasan pinaabot po ng hipag ko sakanya. Sinabihan ko sya na kapag may trabaho na ang aking live in partner patuloy ulit kaming magbibigay ng pera.
Dumating ang aking byenan na babae upang bisitahan ang kanyang 2 apo. Ngunit sa kanyang pagbisita ang sabi niya raw ay mag dedemanda na sya at ubos na raw ang kanyang pasensya. Ipapadala raw nia ang subpoena ngunit hindi naman niya alam ang aming address kung saan kami nakatira. Kapag hindi raw kami nagbigay ng pera itutuloy raw nia ang demanda.
Tanong ko po kapag po nagpatuloy kaming magbibigay ng suporta. Paano po kami makakapag file ng legal separation upang hindi na sya manakot samin ng ganito lalo na meron din naman syang ibang kinakasama at nagpapagawa raw bahay kaya kelangan nia ng pera