nagloan po ako ng tv thru Home credit last July 24, 2016,at na-approved po sakin yung brand na Devant Smart Tv, noong unang gamit ko sa tv pansin ko na hindi maganda yung sound ng tv,bukod dun na parang lata,basag pa yung sound pag pinalakas mo, tumawag po ako sa service center ng Devant last July 28, 2016 at nagcomplain po ako tungkol sa tunog ng tv,sabi ng kausap ko papuntahan nila sa technician with 2 to 3 days. August 1, 2016 dumating ang technician tapos noong tinest nys yung tv ko sabi sakin normal lang daw talaga ganun ang tunog at ang advice nya bumili na lng daw ako ng home theater para gumanda ang tunog ng tv ko. At aminado din sya na hindi maganda yung tunog ng tv,pero sabi nya normal lang daw po un.
Bilang cosumer po may karapatan po ba ako na palitan yung unit ko at ibang brand na yung kukunin ko kasi po unsatisfied po talaga ako sa tunog kasi basag talaga lalo na pag pinalakasan mo na. At hindi rin po kasi pinaliwanag sakin na normal lang ganun yung tunog noong nag-demo sila sa akin ng tv na yun.
Maraming salamat po sa mag-aadvice and more power..