magandang araw, isa akong guro sa isang pamantasan, 15 years na ako sa serbisyo at halos buong buhay ko ibinigay ko dito, ganito ang nangyari, narinig ng associate dean ko pinag usap usapan ng mga co teachers ko noong july 15, 2016 na ako daw ay tumanggap ng pera mula sa student ko kaya siya pumasa. kaya pinatawag niya yun student noon july 17, 2016. ang student na ito ay naka graduate na noon april , 2016 at student ko sya noon 2015 (june-oct). tinanong sya kung totoo yun bintang sa akin, ang sabi nya ay oo, kaya ang ginawa ng associate dean ay pinasulat ang student ng sanaysay at pinapirmahan na nagsasabi ng storya kung paano ko sya kinuhanan ng pera para makapasa. july 21 pinatawag ako ng executive director at kinausap. sobra talaga ako nagulat, kc wala akong kaalam -alam. at pinabasa sa akin ang sulat ng student. gulat na gulat talaga ako at halos walang masabi kundi HINDI PO TOTOO yan. impusible mangyari yun, strikto talga ako sa klase at tinuturuan ko sila paano maging mabuting tao, at hindi ko talaga kaya nag bintang nya na para pumasa sya binayaran nya daw ako ng 5000 libo, tpos meron pang 2,000, at 3,000 noon huli bali lahat 10k. Sabi ko sa amin executive director, dapat magkakaharap harap muna kami at makapag usap kasama yun bata. sabi ng exe director, gagawa daw xa ng investigation committee para dito at confidential daw. sabi ko kung ano po maganda gawin, basta nag titiwala ako na magagawa agad ito. tinanung ko din ang exe director, sir anu po mangyayari sa student pag napatunayan di po totoo ang bintang nya. ang sabi nya WALA, kc graduate na. kaya nasabi ko nlang na para po protektahan ang sarili ko at kapwa mga kaguruan, magsasampa ko ng kaso sa student (nasabi ko lang po yun pero nag dadalwang isip po talga ako, kc kung aamin agad sya na di totoo yun, mapapatawad ko agad sya). pero ngayon po 1 week na wala pa updates. tinanung ko yun associate dean kung may update na at kelan kami mag uusap sabi nya meron na discuss nya sa akin ng hapon. pero nun mag hapon, di nya nasabi upadates kasi busy daw xa bukas nalang (sa isip ko baka hindi na sya ganun ka bigat dahil dapat urgent talga un kc nasisira name ko at ng paaralan). paano nyo po kaya ako matutulungan???nag mamakaawa po ako. wala pong yumayaman sa mga kaguruan kundi magpauland ng kabutihan. sa pagkaka intindi ko civil case po ito? anu po ba ang mga dapat o pwede ko pa gawin? hal. pwede ko po ba puntahan o tawagan o kausapin ang student at itanung bakit nya nagawa yun sa akin? sana po matulungan nyo ako.
gumagalang,
akeno