Gusto ko po sana humingi ng advice kung ano po ba dapat namin gawin? at gusto ko din po itanong kung gaano po ba katagal inaabot ang kaso ng isang illegitimate child about sa pag claim ng rights nya?
Isa pong Illegitimate Child ang asawa ko (31yrs old) matagal na pong patay ang tatay nya since nung 1yr old palang po sya at kahit isang singko wala po syang natanggap. may malaking company po ang father nya na hanggang ngayon ay active pa rin. Kompleto po sa lahat ng papers ang asawa ko sa Birth Certificate meron po pirma ang father nya at kilala din po sya ng mga legal siblings nya. Halos lahat po ng mga attorney na nakausap namin sinasabe po na malaki ang habol ng asawa ko at mapapanalo ung kaso nya.
Halos mag 2yrs na po kumuha kami ng attorney na humahawak ng kaso nya, eto po ang gusto ko hinggin ang advice bilang isa din po kayong Attorney. Gaano po ba katagal inaabot ang ganitong kaso sa pag claim ng rights? nakatira po kami sa abroad at tanging sa chat at mail lang po ang gingamit namin para makausap ung Attorney namin sa pinas, nagaalala na po kami at nagtataka sa mga kinikilos ng Attorney namin kase puro po sya mga dahilan at emergency kapag may mga bagay na gagawing step tungkol sa kaso ng asawa ko halos mag 2 yrs na po wala parin nangyayari kahit isang resulta sa kaso namin. Hindi po namin macomfront ung attorney namin tungkol dito na kung bakit parang wala naman syang nagagawa sa kaso namin at nagaalala po kami kase bigatin po ung kalaban namin isa sa mga malaking Kompanya sa pinas kaya po siguro napapatagal ng ganito nila ang kaso namin.
Ano po ba sa tinggin nyo ang magandang gawin?