one time nakiusap sa akin yung "ate" nya na yun na pahiramin ko muna sya ng pera dahil may cancer daw yung anak ng bestfriend nya at doon sa bestfriend nya ideposit ang pera. babayaran nya daw ako pagkauwi nya ng US after a month. dahil sa tiwala, pumayag ako. nag text sa akin yung bestfriend nya na may cancer ang anak at nagkasundo kami na ideposit na lang sa bank account nya dahil malayo sya. nagpahiram ako ng mahigit P400k dahil nagtiwala ako.
after a month, nakauwi na daw from US yung "ate" pero ayaw naman magpakita at madaming dahilan kaya hindi maibigay ang pera. nung na contact ko yung bestfriend nya kung saan dineposit ko ang pera, dun ko nalaman na yung tumanggap ng pera ay kapitbahay lang pala ng friend ko at niloko lang din sya. ang dahilan daw ng friend ko ay may padala sa kanya galing sa "ate" nya from US at ayaw ipa deposit sa account nya dahil makikita daw ng asawa nya at ayaw ipaalam. doon ko lang din nalaman na yung ka text ko pala ay hindi yung bestfriend ng ate nya na may cancer ang anak kung di yung friend ko lang pala. so yung friend ko na yun ay nagpanggap bilang "ate" nya at "bestfriend" ng "ate" nya na kapitbahay lang pala nya upang makakuha ng pera. hindi din totoo na may cancer yung anak.
ano po ba ang pwedeng ikaso dito? pasok ba sa identity theft? parang budol budol style ang ginawa nya sa akin. nagbayad sya pero kulang pa. nagkasundo kami na bigyan nya ako ng cheke yun pala closed account na ng ilang months.
I hope naintindihan nyo ang story. Thanks!