Gusto ko po sana humingi ng Free Legal advice. Ang problema ko po kasi ay nag AWOL po ako sa dati kong company after ng sahod dahil sa nahirapan na po ako sa work ko dati (bata pa po ako nun mga 20 years old at first company ko po sila) at sinasabi po nila na sobra raw po ang pinasweldo nila sa akin noon dahil nasira ang system nila at parang iniisip nila na itinakbo ko raw po yung sobrang pera. Sa totoo lang po hindi po ako aware na sobra pala ang sinahod ko, wala man lang akong nakuhang letter or notification sa kanila na sobra pala ang nakuha kong sweldo. Willing naman po akong ibalik ang sobra ko pong sinahod pero gusto ko rin po malaman kung pwede po nila ako makasuhan dahil dito? Maraming salamat po.