Hi, nagkaroon po ng utang ang aking asawa sa kakilala nya na cash last year na umabot ng P130,000. at sya ay nahaharap sa kasong estafa na isinampa sa kanya. Willing naman po bayaran ng asawa ko ang utang nya subalit ang gusto po ng complainant na bayaran ng buo ang halagang nabanggit. Monthly tumatawag at nagpupunta ng personal o kaya'y may taong inuutusan ang complainant para singilin sya at dahil sa hindi nya mabayaran ng buo ang kanyang nautang 3months ang lumipas na walang komunikasyon o tawag sa complainant at itong May 23 ay nakatanggap ng sulat ang asawa ko na galing sa court. natatakot po ako para sa asawa ko na damputin sya at ikulong... Ilang gabi rin po akong hindi makatulog sa takot. June 6th po ay may kinausap ang asawa ko na taong taga city hall na meron daw standing warrant of arrest sa laban kanya, may kinausap din sya na attorney na sabi daw ay kailangan daw ng asawa ko ng P20,000 to P40,000 na piyansa para labanan ang kaso. Paano po ang standing warrant of arrest na sinasabi, at kailangan po ba magpiyansa para hindi sya arestuhin kahit na makipag-areglo sya at bayaran nya ang utang nya? Willing naman pong magbayad ng utang ang asawa ko ano po bang dapat gawin? Tulungan nyo po ako kung ano ang dapat gawin ng asawa ko hindi nya po alam ang batas dito dahil sya po ay isang american citizen. Maraming salamat po.
MariThom01