Mula po pagkapanganak hanggang college ang ginagamit kong apelyido ay SURIO. Namatay na po ang tatay ko at muling nag asawa ang nanay ko. Pagkagraduate ko po ng college nalaman ko na napalitan ang aking apelyido at naging MARINO (apelyido ng stepfather ko) mula non ay lahat ng ids at documents ko ay MARINO ang apelyido.
Nais ko po mag apply ng passport. Sa NSO birth certificate ko po MARINO ang aking apelyido ngunit sa father's name ay pangalan pa rin ng aking ama (SURIO)
Gusto ko pong malaman kung magkakaproblema ako sa pagkuha ng passport at ano po ang dapat kong gawin upang masolusyunan ito? Maraming salamat po