Meron akong kapatid(20 years old) na gumagamit ng illegal drugs. Thou ganun ang kalagayan nya, ayaw naman po ng family namin na ireport po sya at kung mangyari ay madampot sya. Gusto lang sana ng family namin ay kung meron po bang legal na paraan para matulungan siya? I mean kung irereport po ba sya ay ikukulong ba siya or pede po siyang dalhin sa rehab ng mga awtoridad?..
Sa situation nya kasi ngayon, ayaw nya magpa rehab and most of all ayaw nya makipag cooperate sa family para maayos ang kalagayan nya. Sa point of view po kasi namin ay dapat po siyang gamutin. To be honest matino syang anak and nagkamali lang siya ng kaibigan at environment.
Also, we need advise kasi if ever po na ireport siya ay may mga taong madamay. Which is hindi naman namin intention na may madamay dahil ang concern lang namin ay ang situation ng kapatid ko.
Im not sure kung tama ang pag seek ko ng advise sa site at forum na ito. We just wanted legit advise para din po sa tamang decision making ng family namin.
Hoping for your response Atty,
-Paul0111