I just want to know my Rights.
Noong 16 years old pa lang ako ay nabuntis na ako ng bf ko, and nag kaanak kami nung 17 na ako. Tumira ako sa bahay ng lalaki, nakisama sa buong pamilya nya, pero nung tumagal lumabas na ang kulay ng pamilya ng bf ko, inapi nila ako, nung mga panahong yun wala akong alam dahil minorde edad pa ako. Hindi ko alam kung sino ang tatakbuhan ko, natatakot ako. Dahil sa bata pa ako nung mga panahong yun, lumalabas parin ako kasama nang kaibigan ko, pero hindi ko pinababayaan ang anak ko, umaalis lang ako pag tulog na sya, nagalit sakin ang pamilya ng bf ko at pinalayas sa kanila, ng hindi alam ng magulang ko, ang tatay pa ng bf ko ay gumawa ng isang kasulatan na nag sasaad na mga bata pa kami at kailangan kong lumayo sa kanila pero ang anak ko ay sa kanila lang, nung mga panahong yun, wala ako choice kundi pirmahan yun dahil pinilit nila ako. may pirma din yun ng bf ko at ng kung sino sinong testigo daw, ang edad ng bf ko ay mas matanda sakin ng 3 years so kung 17 ako, mga 20 sya, wala ako nagawa kundi umalis sa kanila dahil ang buong pamilya nya pwera ang nanay ng bf ko ay pinag malupitan ako, lagi akong pinag sasalitaan ng mga masasama at pinag chichismisan, wala akong alm nun kundi umiyak lang dahil wala akong lakas ng loob nun, pumunta ako ng manila at tumagal ng halos 1 at 3 months dun, pag balik ko 2years old na baby ko, pag balik ko pinayagan ako nilang patirahin ulit dun dahil binalak ko itakas ang anak ko kasi hindi nila binibigay sakin, ngaun ay pinag mamalupitan ako ng ate nya at ng asawa ng kapatid nya. lagi lang nila akong nakikita at lagi lang nila akong iniintriga at pinag kakalat na keso pabaya ako, wala alam, ang edad nila ay 30+ na at ako ay 21 na ngaun, normal na mas marami silang alam kayssa saakin. lagi nila pinamumuka ang naitulong nila simula ng nanganak ako hanggang lumaki anak ko, pero kung kailan nila gusto palayasin papalayasin, at pinapirma pa sa isang bagay na walang kamalay malay ang magulang ko noon, gusto ko lang malaman mga rights ko bilang tao, at dapat kong ikaso sa kanila, kung sakaling kunin ko anak ko at ayaw nila ibigay.
salamat po.
sana po ay tulungan nyo ako.