last March po ay nag.ask ako na mag aabsent po ako by May 5 po sa principal namin and she said okay po.. But then po naka.absent po ako ng may 3 and 4 po due to some reasons po, eh nagalit po sya at sinabihan po ako na magreport sa school on May 5, but then hindi po ako nakareport kasi nasa ibang lugar po ako nun kaya bumalik po ako sa school May 10 (Tuesday) na po kasi holiday election day yung may 9.. pagbalik ko po ay sinabihan nya po ako na magbigay po ako ng resignation letter po by thursday, by then po hindi na po nya ako pina.duty.. Alam ko po na without due process yung pagteterminate nya po sa akin na may pinirmahan po ako na 3 years contract, kaya po pumunta po ako sa DOLE po para mag seek ng advice po, pero sinabihan po ako dun na magbigay nalang po ng resignation letter para dw good yung exit ko po dun. So nagbigay nalang po ako ng resignation May 12 po, tinanggap po ng principal but hindi po ako nabigyan ng any formal letter in response to my resignation letter po, sinabihan lang nya po ako na magbigay ako ng request letter para sa COE, service record at ibang papers po. So ginawa ko naman po, then wala na po silang binigay ng update mula noon, so nagtanong ako ng updates po para sa papers ko po through chat, then ganun na po yung reply ng principal na magbibigay po muna ako ng 20,000 po within 1 month for breaching the contract before nila ibibigay ang mga papers ko, paghindi po ay magrereklamo sila oh maybe magdedemanda sila against me po.
ano pog dapat kung gawin dito po, in the first place po sila po yung nagsabi na magbibigay po ako ng resignation letter the bakit sisingilan ako ng 20,000 po without giving me any formal letter about it po then idedemanda po ako nila na walang kalaban laban po...
sanay matulungan nyo po ako salamat ng marami...