We would like to get an legal advice. Meron po kaming business (softdrinks dealer and small store). Nagstart po kami from 2011. Meron po kaming barangay business license. In year 2015, meron kaming kapitbahay sa tapat na nagrereklamo about sa ingay every time na may softdrinks delivery kami. Around maximum of 45 mins po ang pagbababa ng item. Approximately 3 times a week din po may nagdedeliver sa amin. Everyday meron kaming delivery sa clients namin. We operate the delivery from 8am to 5pm pero not all the time maingay dahil umaalis din po sila para magdeliver. Last year, nagcomplain din ung kapitbahay namin sa barangay tungkol dito. Naimbitahan kami at nagkaroon ng pag uusap. Napilitan po ang aming side na pumirma na barangay ang nagdesisyon na lilipat kami in 1 year. Ang tanong ko lang po, may karapatan po ba kami mag tuloy ng business? Our point is we operate day hours at not all the times, maingay. Ano po kaya ang dapat naming gawin? Salamat po.