Isa po ako sa mga lider ng union ng aming kumpanya. Tanong ko lang po. Ano po ang maganda naming gawin? Gusto po ng kumpanya na bayaran ang mga tao ng naaayon lamang sa CBA at pagkatapos bayaran ay pwedeng rehire kung gusto ka pa nila pero kung ayaw na nila sa iyo hindi ka rehire at wala ka na trabaho. Mawawala na rin daw ang union kasi binayaran na kami. Legal po ba ito? Ang dahilan nila ay unti unting papatayin ang dating kumpanya at sisimulan ang bagong pangalan at bagong produkto. Iba na raw po ang may ari pero hindi po kami naniniwala. Ok din naman po sa kanila na Absorb lahat ng empleyado pero mawawala ang union at ang dating benepisyo. May technicalities po ba sa usaping ito?