Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

35 years na po kame nakatira sa bahay ng Ante ko.

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

denciok200


Arresto Menor

hi sir/maam
Gusto lang po namin malaman... ganito po ngyari, 35 years napo kami nakatira sa property ng ante ko na kapatid ng tatay ko. kami po pamilya binilin nya sa kanyang property kase nasa abroad sya halos mga 30+ years.. d2 na po kame pina nganak at lumaki 32 years napo ako ngayun.. at meron din po kame mga na tanim na manga neyog at iba pa. Pero po nag iba isip ng may ari ng propety na yung ante ko na gusto nya po kame palayasin ng ganun nalang within 30 days daw palugit nya. at wala po kame matangap kahit ilang peso basta basta nalang po kame paalisin. pwede po ba ganun ganun nalang po hindi nya kame ilagay muna sa tamang pag lagyan namin para nalang kame hayup nito na basta nalang paalisin sa 35 years namin pag tira sa kanyang property na binilin din naman samin nan dun pa sya sa abrod.
pasok rin po ba yung sinabe ni PRES. DUTERTE na "Simula ngayon, walang tao dito sa Pilipinas ang i-evict mo or i-demolish mo hanggang walang malipatan," Duterte promised before a gathering of reporters in Davao City. maraming salamat po sa advice.

denciok200


Arresto Menor

hello po need advice thnx

kabbalplus


Arresto Mayor

Ano ba nangyari sa tita mo nasaniban ba sya? O may nagawa kayong hindi maganda sa kanya dahil sa biglang pagbabago ng isip nya,

kabbalplus


Arresto Mayor

O baka naman nakaranas sya ng hindi maganda sa abroad o namaltrato sya kayanapagbuntungan kayo ng galit nya.
Sa palagay ko lang ha, wala sa katinuan ang isip ng isang tao na kamaganak mo ay palalayasin mo, may naincounter ako na kamaganak na kinamkam ang share nya sa lupa pero di naman pinapalayas na parang hayop.

kabbalplus


Arresto Mayor

Sa legalidad hindi papayagan ng korte na palayisin kayo dahil kamaganak nyo pala ang magpapalayas sa inyo against yun sa human right, maliban nalang kong may sapat syang rason para mapalayas. Kung magdedemanda sya malaks ang laban nyo, so ang gawin nyo hintayin nyo nalang ang demanda sa inyo. Di naman agad aakyat sa korte yan, mag se settlement muna kayo,

denciok200


Arresto Menor

nalaman po namin sir kaya ginanito nya po kame na biglaan paalisin nalang kame kase meron na pala buyer ng property nya baka ayaw niyang bigyan pa kame ng pera para sa malilipatan namin para wala syang gastos para sa amin kaya ginawa nya ito.. kaya na galit nalang bigla yan sa amin sir kasi sinagot po namin sya kase hindi po kase tama pinag sasabe nya dun po nag umpisa na galit sya sa amin.

denciok200


Arresto Menor

what if sir pag gagamit sya ng Force para paalisin kame sir pwede po ba namin sya idemanda ? kase nakasaad sa sulat na galing sa abogado nya e force daw nila kame ipaalis pag hindi kame mag voluntary aalis dito. salamat po

kabbalplus


Arresto Mayor

Ok ganito ang mangyayari dyan, wag kayong matatakot sa abogado, padadalhan kayo ng subpina, pagdating sa piskal tatanugin kayo kung maykakayahan kayong magbayad ng abogado kapag wala bibigyan kayo ng Pau.
Doon mabibigyan ng linaw ang mga katanungan mo.
Sa totoo lang napakahirap ng proceso ng demolition, bali ang makapagpapaalis lang sa inyo ay yung nakabili ng lupa, dahil yung lang ang valid reason g tita mo para paalisin kayo sa lupa

betchay001


Reclusion Perpetua

Hello po,

First of all, you are the caretakers of the lot. You have benefited from the use of the lot without any compensation to your aunt, who legally owns it. You have used the lot for 30+ years and now that she wants to benefit from it, you don't want to leave.

From your recount, you have no right to the lot - ang pagbibilin ng lupa ay Hindi pagbibigay.

Offer to buy the lot from your aunt.
No man can enrich himself from another, and you have done that for 30+ years, and you are continuing to do that by not letting the rightful owner use it or sell it.

If you don't leave, then she has every right to file a case against you. Hopefully this will not result to violence - she is your aunt after all.

denciok200


Arresto Menor

ito po yung sample ng sulat pinadala sa amin galing po daw sa abogado nya.
35 years na po kame nakatira sa bahay ng Ante ko. 2z73lmg

kabbalplus


Arresto Mayor

Wag nyo po ikatakot ang sulat ng abogado, ignore nyo lang yan. Ang dapat ay yung subpina ng korte ang hintayin nyo.
Kasama talaga sa tactic ng kasuhan ang takotan, kapag natakot kayo talo kayo at kawawa, pero kung sa korte kayo natalo may mga consideration na ibibigay sa inyo ang korte base sa human right

denciok200


Arresto Menor

gud pm po mga sir/maam  galing po kame kanina sa pao office para narin po maliliwanagan isip namin. ito po sinabe wala daw kame laban d2 dahil si aunte ko po yung may ari ng property. so ang magagawa lang daw namin sa ngayun settlement hihingi nalang kame ng patawaran at sana tanggapin pa nya.
ang hirap d2 wala kami maliipatan ma kunan ng hanap buhay para narin kame pinatay. alam naman nya mahirap lang kame pagtitinda lang kinabubuhay namin Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad



Last edited by denciok200 on Wed Jun 08, 2016 6:01 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : kulang ng litra)

denciok200


Arresto Menor

settlement daw namin ito bago matapos yung palugit na panahon na binigay nya

kabbalplus


Arresto Mayor

Ang sabi dya sa sulat na pinakita mo, ma fo force daw silang magfile ng complaint sa korte. So it mean na kapag natapos ang palugit nyo himdi pa kayo i de demolish.

So hintayin nyo ang sommon ng korte, mukhang himdi abogado yung nakausap nyo.
Wala ka talagang choice kumdi hintayin ang sommon dahil sinabi mo na ngarin na parang pinatay kayo.
Yung sulat lang ng judge ang susundin nyo, wala kayong dapat ikatakot dahil himdi naman criminal case ang kaso nyo. Na makukulong kayo kapag natalo. Hindi ganun yun..
Mas pabor nga sayo na sa korte na kayo magusap, dahil kapag nanalo ka puwede pang maibalik sa inyo ang lupa,
Dahil maliwanag na lumabag sila sa law ng property, dahil sabi mo nga kayo pala ang dating may ari ng lupa.
Kahit na nabili nila yun may karapatan padin ang dating mayari ng lupa.

Lunkan


Reclusion Perpetua

denciok200 wrote:gud pm po mga sir/maam  galing po kame kanina sa pao office para narin po maliliwanagan isip namin. ito po sinabe wala daw kame laban d2 dahil si aunte ko po yung may ari ng property. so ang magagawa lang daw namin sa ngayun settlement hihingi nalang kame ng patawaran at sana tanggapin pa nya.
ang hirap d2 wala kami maliipatan ma kunan ng hanap buhay para narin kame pinatay. alam naman nya mahirap lang kame pagtitinda lang kinabubuhay namin Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Well. IF it had been a LEASE, which have ended, then the building belong to the LAND owner. In your case it hasn't even been a lease, so there is no legal right to the building at someone else's land, except when there is a lease.
(That's the normal. I don't know if there is any exception for long time use. Except there is an exception for long time use at GOVERNMENT land WHEN the user have paid property TAX for a long time.)

So - if you can't prove you are the land owner - I recomend you try to reach an agreement with the land owner OUTSIDE court, because if going to court, then there will be more prestige and it cost extra money. For instance agree to pay a lease fee from now on. I suppouse they want to get some for passed time to.
Perhaps your Barangay Captain can be a good mediator to reach an agreement. BCs assist with many cases...

denciok200


Arresto Menor

kabbalplus wrote:Ang sabi dya sa sulat na pinakita mo, ma fo force daw silang magfile ng complaint sa korte. So it mean na kapag natapos ang palugit nyo himdi pa kayo i de demolish.

 So hintayin nyo ang sommon ng korte, mukhang himdi abogado yung nakausap nyo.
  Wala ka talagang choice kumdi hintayin ang sommon dahil sinabi mo na ngarin na parang pinatay kayo.
   Yung sulat lang ng judge ang susundin nyo, wala kayong dapat ikatakot dahil himdi naman criminal case ang kaso nyo. Na makukulong kayo kapag natalo. Hindi ganun yun..
  Mas pabor nga sayo na sa korte na kayo magusap, dahil kapag nanalo ka puwede pang maibalik sa inyo ang lupa,
  Dahil maliwanag na lumabag sila sa law ng property, dahil sabi mo nga kayo pala ang dating may ari ng lupa.
  Kahit na nabili nila yun may karapatan padin ang dating mayari ng lupa.

sir good morning hindi po kame ang mayari ng lupa si aunte ko po.. pinatira lang kame almost 35 years bali caretaker na po kame. kase na dun po sya sa ibang bansa nakatira. what if sir pag natalo kame sa korte yung nasa sulat na mga damage fee pag babayarin parin kame nun e wala nga kame pera hangang pagkain lang kinikita namin.

kabbalplus


Arresto Mayor

Oo pagbabayarin kayo ng damage fee kung may pambayad kayo, pero kung wala di naman kayo pipilitin. Parang ganito lang yan, umutang ka kaso sa di inaasahan nalugi negosyo mo. Wala ng magagawa yung nagpautang.
Ayon sa batas wala nakukulong sa utang pero sa stafa meyron.
Kung binilin sa inyo yung lupa unang una dapat libre kayong nakatira sa lupa, at dapat binabayaran kayo dahil nag se serbisyo kayo sa kanya.
Yun ang sabihin mo sa korte na mga karaparatan nyo, yung sinabi sayo sa pau ganun talaga ang sasabihin sayo para mapilitan kang makipag settlement, pero magiiba nayan kapag pinadalhan kayo ng summon kasi may acceptance na ng abogado yun.
Kasi kapag nakipagayos ka sa kanya syempre pabor sa gusto nyang mangyari yun.
Maipapayo ko na wagka ng makipag settlement dahil walang kamaganak na gumagawa ng ganyan. Wala na sa tamang katinuan ang kakausapin

denciok200


Arresto Menor

sir update lang po nag text yung ante ko kahapon kase Jun 6 namin na recieve yung sulat ng abogado nya so july 6 daw nila file ang kaso. ganito po text nya sa amin sir gusto nya kami papuntahin sa abogado nya this coming monday july 4 . ang nasaisip namin bakit kailangan pa niya kame papuntahin doon sa abogado nya ? at nanakot pa sya sir na ipapulis nya daw kame tama ba yun ?

antonio ekis

antonio ekis
Arresto Menor

Ilagay nyo po yung sarili nyo sa Auntie mo. Pinatira na kayo ng 35 years walang bayad tapos kayo pa ang may ganang maghabol? Sa agriculture lang po applicable ang tenant rights hindi sa residential lot/houses. Tama po yun ipa pulis kayo kung hindi kayo aalis sa property na hindi sa inyo.

denciok200


Arresto Menor

hindi naman sa nag hahabol sir gusto lang naman namin mangyari aalis talaga kame d2 kase sa kanya naman talaga ito. hindi naman sa ganun bigla nalang paalisin na walang malipatan kahit kubo nalang. alam naman nya buhay namin dito kulang pa nga sa pagkain kinikita namin. mabuti pa yung mga biktima ng sunog baha meron malilipatan, may buhay din naman kami hindi naman kame hayop na bigla nalang paalisin.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum