Gud pm. Meron po kaming sasakyang pick up. Nakatira kame sa medyo mataas na lugar (bundok) kaya wala po kaming garahe. Kinausap po namin ung me ari ng lupa sa bandang kalsada at pinayagn naman po kameng sa gilid ng kalsada sa parte ng lote nya ipark un pick up namin. Nitong kelan lamang po gumawa ng garahe ung isang kapitbahay namin na halos tapat ng pinaggagarahehan ng pick up truck namin. 3 sasakyan po ang ipinapasok nila duon. at kinausap nila kame na iurong daw po ang pick namin palayo para daw di sila nahihirapang ipasok ung mga sasakyan nila sa garaheng ginawan nila na nasa kabilang side kung san nandun pick up. Di po kame pumayag kase pag iniurong pa namin un pick hinde na po namin matatanaw mula sa lugar ng bahay namin at marami pong maloko sa lugar. medyo malayo naman po ang pagiging magkatapat ng garahe nila at ung pick up. Ngaun sinabihan nila ung driver nila na pede na daw banggain un pick up kase daw po kinausap na nila kame at ayaw namin sumunod. Meron po ba kaming karapatan na wag sila sundin? at meron po ba silang karapatan na banggaain na lang un pick up pag gusto nila? tulungan nyo po kame maraming salamat po.
Last edited by droj on Tue Feb 19, 2013 4:58 pm; edited 3 times in total (Reason for editing : typo error)