kasi po may ka live in ako ngayon
may anak po kami,
nung una po nahuli niya ako na may babae.
nag away kami
tapos naghiwalay po kami.
dinala po nila yung anak namin.
tapos naging ayos din naman po kami nung huli. kaya nakuha ko ulit sila.
kaso ngayon po.
pag nag aaway po kami.
lagi niya sinasabi na maghiwalay kami.
kahit maliit na bagay lagi niya pinapalaki. ako naman po wala ako magawa.
kasi isasama niya po ulit yung anak namin.
ang tanong ko lang po
kung maghiwalay po ba kami.
may karapatan po ba ako na makuha yung anak namin o kaya palitan kami sa pag alaga ng bata?
sa akin po ang surname na gamit ng bata.
at nung bago po ako umalis papuntang ibang bansa pinapirma po ako ng magulang nya tungkol sa anak.nakalagay po don na may anak ako sa anak nila at kailangan ko suportahan ang mga magiging pangangailangan ng bata..kasi buntis siya nung umalis ako..
natatakot po kasi ako baka ilayo sa akin yung anak namin.