ngayon po sila pa ang nagbabanta sakin na idedemanda daw ako pag di pa ko nagpadala ng pera at suportahan yung dalawang bata, wala naman po poblema susuportahan ko po sila kaya lang ni skype o video call di nila pinapakita mga anak ko.
nung malaman ko na nabuntis na ang dati kong asawa march 2015 nanganak sya, ninais ko pong idemanda sila para man lang mabawasan ang sakit na nararanasan ko sa pagwasak nila sa pamilya ko at pang bebrainwash sa mga bata na hindi ko sila mahal kaya di ako nagpapadala at di ko sila kinakausap maski sa video call. pero mas inisip ko po kapakanan ng dalawang bata kng makukulong nanay nila.
hangang ngaun wala po ako communication sa dalawa minimessage ko ang dati kong asawa pero di nagrereply, anu po ba ang dapat kong gawin sa ganitong situation
hinayaan ko na ang asawa ko at ang kalaguyo nya dahil ako din naman nakahanap na ng makakasama at nagkaanak na din kami ng isa. ang nais ko lang magkaroon pa rin kami ng communication ng dalawa kong anak.
anu po bang hakbang ang maari kong gawin? sana po matulungan niniyo ako. negative or positibong commento tatangapin ko po maraming salamat.