Ang nanay ko po ay nagpapapaluwagan for more than 20 years without any problem. Ngaun lang po dahil sa may naghahabol sa pera ng sasahod sa paluwagan. Ganito po kasi ang nangyari...
Nangako po kasi ang sasahod (na ngaun ay nakatira na sa Bicol) sa pamamagitan ng text sa kapitbahay namin na ngpapa5-6 na ang pera ng paluwagan ang ipambabayad niya sa utang nya. Wala naman pong alam ang nanay ko sa usapan nila hanggang isang araw nitong nakaraan linggo ay bigla na lang pong pumunta sa bahay namin ang pinagkakautangan at sinigawsigawan ang nanay ko na wag daw pong ibigay ang pera sa sasahod dahil yun daw ay ipinangako na sa kanya. Agad naman po ito sinabi ng aking nanay sa sasahod sa paluwagan dahil alam naman po namin na sa kanya may obligation ang nanay ko na ibigay ang pera at anumang usapan nilang dalawa ay labas na po kami. Ayaw po pumayag ng sasahod na ibigay sa kanya ang pera at kami pa ay tinakot na idedemanda ang nanay ko kapag hindi nabigay ang pera sa araw ng kanyang pagsahod. Kami po ay tahimik na tao at hindi sanay sa gulo kaya naman kami ay labis na natatakot sa mga pagbabantang binibitiwan ng sasahod.
Dinulog ng may pautang sa barangay ang kanyang reklamo at nagpablotter po cya ngunit nais nya na wag namin ibigay ang perang sinahod ng taong may utang sa kanya sa kadahilan yun na lamang daw ang huling alas nya laban sa taong umutang sa kanya at ayaw nya din magsampa pa ng kaso dahil maliit lang naman ang utang sa kanya at wala din naman siyang pinanghahawakan na kasulatan na magiging evidence nya laban sa may utang sa kanya (15,000 po ang principal amount at tumutubo ito ng 1,500 per month). Sa harap ng barangay ay nagkasundo sila na hindi ibibigay ng aking ina ang pera sa sasahod. Ipinaalam din ng aming barangay (thru PM and text) sa taong may utang na siya ay inirereklamo na. Pero nanindigan ang may utang na ang nais po nila ay ibigay pa din ng nanay ko ang pera at silang 2 na lang ang magdemandahan at patuloy pa din ang pananakot sa amin sa text. Dahil na din po sa emotional stress na dinudulot nito sa aming pamilya ay minabuti namin na bumalik sa barangay at sabihing ipadadala na lamang namin ang pera at bahala na silang 2 ang magusap kasi wala naman po kami kinalaman sa problema nilang 2. Sabi ng barangay nasa nanay ko naman po ang decision dahil mayroon naman siyang obligation na ibigay ang pera sa sasahod dahil kanila naman ito at hindi din naman nila ino-authorize ang aking ina na ibigay ang pera sa kanyang pinagkakautangan. Nagagalit ang nagpautang sa nanay ko kasi ayaw daw siyang tulungan na masingil ang pautang nya dahil wala naman daw ito balak na magbayad.
Tama naman po diba ang decision ng nanay ko na ibigay ang pera sa sasahod at huwag na makisali pa sa problem nila? Wala naman pong habol sa amin ang pinagkakautangan ng sasahod sa paluwagan? Pasensya na po at sobra na po kami napaparanoid sa lahat ng pagpepressure nilang 2 sa aking ina. Sana ay may makasagot po sa aking problemang tinugon. Maraming salamat po in advance.